CHAPTER 24

3.7K 321 139
                                    

CHAPTER 23

A/N: FEEL FREE TO COMMENT YOUR REACTIONS/FEEDBACKS. THANK YOU!

WARNING: R18
-

Xianniah Astrid Fajardo

"Niah, mauna ka na. Mag-take lang ako ng pictures ng mga batong nandito tapos sunod na rin ako." Kinuha ni Megan ang Canon DSLR camera niya mula sa kamay ko.

"Samahan na lang kita," pag-presenta ko. Nang lumingon kasi ako, 'di ko na makita sila Akisha. Baka nakalayo na sila tsaka isa pa, dalawang direksyon ang p'wedeng paglooban. Eh hindi ko naman alam kung sa kanan ba sila pumasok o sa kaliwa.

"No, it's okay. Sige na, Niah. Sunod nalang ako mamaya."

Lumingon ulit ako at nag-aalinlangang humakbang. "Kasi ano, Megan... hindi ko naman alam kung saan sila dumaan. Sa kanan ba o dito sa kaliwa." Turo ko sa dalawang direksyon.

"D-Diyan!" Turo niya sa kaliwang direksyon. "Diyan sila sa kaliwa dumaan. Nakita ko kanina habang kinukuhanan mo ako ng pictures."

Humakbang ako papunta sa tinuro niya. Binasa ko ang nakapaskil na card ro'n.

"Mag-ingat dahil madulas ang daan. Kung maaari, 'wag na tumuloy kung hapon na dahil madilim ang bahagi ng kwebang ito."

Pagkabasa ko no'n, hindi ko mapigilan ang magtaka. Dito sila pumasok? Pero hapon na. Hindi ba nila sinunod ang pa-alalang ito?

"Sigurado ka?" Baling ko kay Megan.

"Yes. Diyan sila pumasok, trust me."

Sinabi ko kay Megan na hintayin ko na lamang siya pero mapilit ito. Susunod na lamang raw siya. Kahit ayokong iwanan siya, wala naman akong magawa. Ito ako ngayon, tinatahak ang direksyon na sinabi ni Megan. Ilang hakbang palang at sobrang dilim na. Tama nga ang nakasaad sa nakapaskil roon sa bungad na kapag hapon na, 'wag na subukang pumasok. Hindi na kasi naaabutan ng sinag ng araw ang direksyon na 'to. Idagdag mo pa na madulas ang dinadaanan. Mabuti nalang at malalaki ang mga batong naroon kaya't 'yon ang nakakapitan ko habang naglalakad. Huminto ako saglit sa malaking batong naroon para sumandal at kinuha ang phone ko sa waterproof bag na dala ko. Balak ko tawagan si Akisha para sabihing hintayin nila ako dahil ang bagal ko maglakad gawa ng madulas na daanan. Nang buksan ko ang cellphone ko, walang signal ito. Malas naman! Kaya ang ginawa ko, in-on ko na lamang ang flashflight para magsilbing ilaw. Naglakad ako nang naglakad pero hindi ko pa rin sila naaabutan. Ang bilis naman nilang maglakad!

Nakaramdam na ako ng pagod. Hinihingal na rin ako. Hindi pa naman ako p'wedeng mapagod. Naupo muna ako at pinakiramdaman ang paligid. Nakaramdam ako agad ng takot dahil sa mga huni ng hayop na naroon. Hindi ko matukoy kung ano ang mga 'to. Naiiyak na ako dahil 'di ko pa rin naaabutan sila Akisha. Ang tanging pag-asa ko na lamang ay si Megan. Nawa'y maabutan niya ako agad pero lumipas na ang sampung minutong paghihintay ay wala pa rin siya. Nagdesisyon akong maglakad na ulit. Nabuhayan ako nang may naaninag akong parang lagusan. Baka 'yon na ang labas nitong kweba. Dali-dali akong naglakad patungo roon at dahil sa kakadali, nadulas ako. Napaupo ako at nasapo ang bandang p'wetan ko.

"A-Aray!" Daing ko. Namilipit ako sa sakit dahil masama ang naabot ko sa pagkakadulas. Kahit na masakit, pinilit ko pa ring tumayo at i-ika-ikang naglakad hanggang sa makalabas na.

Imbes na matuwa dahil nakalabas na ako ay hindi. Gulat, lungkot at takot ang namayani sa 'kin. Wala sila Akisha sa labas at wala ring dagat kung saan naghihintay ang bangkang sinakyan namin. Puro lang malalaking puno at malalagong damo ang naroon. Madilim na ang paligid at mukhang nagbabadya ng malakas na ulan ang kalangitan. Sa wari ko, ito ang pinakadulo ng kweba. Bakit naman sila dito pupunta eh malapit na gumabi.

Chasing My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon