Xianniah Astrid Fajardo
"Magkasama kayo ng boyfriend ko?" Kunot noo niyang tanong sa 'kin.
Hindi ako agad nakasagot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Hindi ko naman p'wedeng sabihin na inaya ako ni Haze para lumabas. Malamang, girlfriend siya ni Haze at baka kung ano pa ang isipin niya. Maging si Haze na nasa gilid ko ay hindi agad nakapagsalita. Siguro ay 'di niya rin inexpect na makikita niya rito si Megan.
"Are you with Haze, Niah?" Tanong niya ulit. Matapos niya akong tingnan ay tiningnan niya rin si Haze. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Haze. "Magkasama kayong dalawa?"
Narinig kong bumuntong hininga si Haze. Ayokong mag-away sila pero ayoko rin namang magsinungaling sa pinsan ko. Wala naman sigurong masama kung sasabihin kong magkasama nga kami, 'di ba? Na nagkaayos na kami at magkaibigan nang muli.
Kung 'di niya kayang sabihin, ako na ang magsasabi.
"Ye--"
Pinutol niya agad ang sasabihin ko at 'di ko inasahan na ganoon ang susunod na sasabihin niya. "N-No, love! Hindi kami magkasama ni Niah. Wala kaming prof ngayon 'cause they have an urgent meeting so I decided to go here to buy some books. Actually, ite-text na sana kita to update you pero ito na nga, nandito ka rin pala."
Biglang sumikip ang dibdib ko. He lied.
"Oh, I see. How about you, Niah? Anong ginagawa mo rito? Akala ko talaga magkasama kayo ni Haze." Sa 'kin naman natuon ang atensyon ni Megan ngayon.
Tinignan ako ni Haze na parang sinasabing makisama na lang ako. Kahit naman hindi niya ako senyasan, alam ko na ang gagawin ko. Kailangan ko ring magsinungaling.
"No, hindi talaga kami magkasama ni Haze. Actually, kanina pa ako ritong naghihintay kay ano... kay Akisha, tama! Si Akisha nga ang hinihintay ko. Balak kasi namin mag-mall at dito nga ang usapan naming magkita," pagsisinungaling ko.
"Ah, o-okay," tipid niyang wika.
"Ikaw, love? What are you doing here? Hindi mo ako ni-update na pupunta ka palang mall," baling ni Haze kay Megan.
Lumapit si Megan kay Haze sabay lingkis sa balikat nito. "I'm here to buy some office supplies. Just like you, I was about to call you, but I already saw you here. So, I guess, sasamahan mo ako ngayon?"
"Of course," walang pag-aatubili at nakangiting saad ni Haze.
Ako naman ay napayuko na lang. Ang alam ko lang, nasasaktan ako ngayon.
"So, Niah? Hihintayin mo ba rito si Akisha o sama ka na muna kaya sa amin habang wala pa siya?" Suhestiyon ni Megan.
"No, it's okay. Hihintayin ko na lang si Akisha rito," pagtanggi ko.
"Sige, so paano, mauna na kami?"
Tumango naman ako bilang sagot. Hinila na ni Megan si Haze at magkahawak kamay pa silang pumasok sa loob. Bago tuluyang makapasok, tiningnan ako ni Haze at tanging ngiti lang ang pinukol ko sa kaniya.
Alam ko naman kung bakit nagsinungaling si Haze. Ayaw niya lang na may ibang maisip si Megan na p'wedeng pag-awayan nila. Ang bobo mo naman kasi Niah, eh! Ba't pa kasi ako pumayag sa paglabas namin eh may girlfriend na 'yong tao. Kailangan kong respetuhin ang relasyon nila. Naiintindihan ko naman si Haze sa ginawa niya pero hindi ko maitangging nasaktan niya ako. Pinagtakpan niya ako sa harap ko mismo.
Kahit na masakit, kahit na nasasaktan ako, kahit na parang nadudurog ako sa tuwing magkasama sila ay wala akong magagawa. I need to endure the pain 'cause this is the right thing to do. Wala akong karapatang mag-demand o kahit ano pa dahil may nagmamay-ari na kay Haze.