Chapter 7: Unforeseen circumstance

196 15 40
                                    

↬ N E O T R I E U

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

↬ N E O T R I E U

"Jahiem, huwag mong harassin yung bata!" Natatawang saway ni Cal at humampas pa.

"Grabe 'yung term, nanggigigil lang naman ako sa pisngi." Umupo pa si Jahiem para kurutin ang batang kanina niya pa nilalaro. I smiled at the pure gesture. Who would thought a reckless rebel is good at playing and taking care of kids?

"Bakit nga ba ikaw ang sinama ko? Bakit hindi ko naisip na makikipaglaro ka lang?" Nasapo na lang ni Cal ang noo niya.

"Buti sumunod ako." Bulong ko sa kaniya at sabay kaming natawa. Wala naman kasi akong gagawin ngayon hanggang mamaya kaya noong nabalitaan kong napag-utusan raw si Callais na magpamigay ng supplies rito sa orphanage na pagmamay-ari ng family niya, sumunod na ako.

"Opo, opo. Dito niyo na lang po ibaba, kami na po ang magdadala sa loob." I glanced at Callais who went back to business. He's holding a clipboard and he's putting small checks on it using a red ballpen while talking to the distributor.

Kung papapiliin ako kung sino sa kanila ang nakikitaan ko talaga ng malinaw na future, I'll choose Callais. Bata pa lang siya pero hands on na siya agad sa mga ganitong bagay. Seryoso siya sa kung anong meron siya ngayon, focus siya sa field niya. He's gonna be a successful businessman in the future for sure, or a CEO. I know he'll make it.

"Neo, patulong naman." Bumaling siya sa akin

"Sa stock room na?" I picked up the box of milk and went inside when he nodded. Nagbuhat na rin siya at sinundan ako. "Kaka-refill niyo lang ng stocks dito recently ah? Dahil ba 'to sa paparating na bagyo?"

"Yes." Binaba niya ang kahon at nagpunas ng pawis. "Malakas raw kasi 'yon."

"Probably the strongest one."

"Yung mga blockmates ko hinihiling pa na sana raw bumagyo na agad para walang pasok at para magawa na nila ang mga gusto nilang gawin." Bakas ang inis sa boses ni Cal. "Yes, we're all fed up with studies, but wishing for a calamity to come so that they can enjoy their pajama parties and favorite Netflix series? Hindi ba nila naiisip 'yung mga taong walang tirahan?"

"Privileged nga kasi." Napailing na lang ako at pinagpatuloy na ang pagbubuhat. 

Minsan kapag inuutusan siya na i-monitor ang pagrerefill ng supplies rito, tinutulungan namin siya kapag wala kaming ginagawa. Kilala ang pamilya ni Callais sa buong Elysian City dahil lagi sila tumutulong sa mga taong nangangailangan. Ginagamit nila ang pribilehiyo nila sa buhay para makatulong. Karamihan ang papa talaga ni Callais ang gusto nila maging mayor para umayos muli ang siyudad pero mas malakas ang laban ng ama ni Riley. 

Sa mundong hindi patas ang labanan, mananalo talaga ang mapera. Lalo na kung ang pera na 'yon ay handang bahidan ng dumi.

Speaking of Riley Heart, ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng balita sa kaniya. After she left the country, she cut all the ties with everyone. Lahat kami ay nag-alala lalo na si Greno. Damn, those two didn't even have a proper break up in person. They started and ended everything in DMs. Umikot lang ang relationship nila sa social media.

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon