Chapter 20: People change after all

126 8 24
                                    

↬ R I L E Y

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

↬ R I L E Y

"Sorry, late!" Tinakbo ko ang distansya namin ni Jahiem na nakatayo lang sa covered walk. 

"Yung OTW mo ba ay On The Water?" Nakakunot na ang noo niya sa akin. Ang usapan kasi namin ay 8 AM pero 8 AM ako bumangon sa kama. Nakakatamad pa kasi.

"Hindi nga ako naliligo." I joked.

"Dugyot mo."

"Love mo naman." Tinusok ko pa siya. Hindi siya sumagot pero nakita ko ang pag-angat ng isang sulok ng kaniyang labi.

Hinila ko si Jahiem para tumingin sa mga booths. May alternative activity kami dapat kaso pinili naming huwag na lang umattend. Actually, dinemonyo ko lang talaga siya. Nakakatamad kaya. I'll be graduating this year, so might as well enjoy the remaining days. Dapat nag-e-enjoy lang kami ngayon, ayaw ko munang i-stressin ang sarili ko.

Nakakatawa. 

Parang dati lang sobrang grade conscious ako kasi malaki ang expectation sa akin ng buong angkan namin. Pamilya kami ng mga Politicians at halos lahat sa amin ay Cum Laude, lahat may ibubuga. Syempre ayaw kong mapahiya sa kanila.

Pero ngayon wala na akong pakialam. Gusto ko na lang makaraos sa College. Nagpapasa naman ako ng mga outputs, wala akong exams na pinapabayaan pero hindi na ako nagsusunog ng kilay. Sa mga extracurricular activities naman ay sumasali lang ako kapag trip ko. Parang okay na ako sa kung ano mang makukuha ko o kung anong masulat ko sa resume pagkagraduate.

"Bili tayo ng I.D holder! Ang cute ng colors oh!" I clung onto Jahiem's arm, picking up the pastel blue one. 

"Bitawan mo na 'yan. Hindi ka naman nagsusuot ng I.D, pasaway ka." Napabitaw tuloy ako roon. Dinadala ko lang talaga ang I.D. ko para makapasok pero hindi ko sinusuot. Ang kati kasi sa leeg ng lace.

"Nagsalita ang nagsusuot ng I.D." Inirapan ko siya. "Tara na nga sa iba, bili tayo ng pagkain!" Nakakawit pa rin ang braso ko sa kaniya habang naglalakad kami paalis. Nagtingin-tingin kami sa mga booth hanggang sa mauwi kami rito sa nagtitinda ng burgers at sandwiches. 

"Ay, sis! Bakit naman asul ang lipstick mo?" Tanong ng babaeng nakatoka ngayon sa booth.

Kung nagkakapera lang ako kada tanong nila sa akin niyan, siguro mas mayaman na ako kay Callais at siguro nabili ko na rin siya.

"Bakit kulay asul rin ang langit? Maging ang dagat?" Inangat ko sa kaniya ang tingin ko saka ngumisi. "Ang wallet mo, bakit kulay asul rin?" Muli akong yumuko at namili ng pwedeng bilhin. Why can't people normalize this lip color? Hindi lang naman shades of red, pink or nude ang meron.

"Ha?" She looks so puzzled. Siguro iniisip niya, nagtatanong lang naman siya tapos kung ano-ano na ang lumabas sa bibig ko.

"Ham and cheese." Narinig ko ang pagpigil ng tawa ni Jahiem at bigla pa akong tinalikuran. Nahawa na talaga ako sa mga kalokohan niya sa buhay. "Yung ham and cheese kako. Pabili." I smiled awkwardly and pointed at the sandwich.

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon