Chapter theme: Taylor Swift - Fearless
↬ H A L V I N T
Nagkakamot ako ng tiyan habang naglalakad patungo sa kusina. Suot ko pa rin ang dugyot kong t-shirt mula pa kagabi.
Nakakunot lang ang noo ko dahil may pilit akong inaalala na kanina ko pa hindi matandaan.
Huwag na nga lang, baka sumakit pa lalo ang ulo ko.
"Good morning—" But all of a sudden, memories flooded in my mind when I saw the two people occupying the dining area.
"Good—oh, bakit?" Hindi ko pinansin ang pagtataka ni Riley at binangga na lang ang likod ko sa kalapit na pader para hindi sila makita.
Shit, naalala ko na.
"Bakit ba ayaw mong maniwala?!" Niyugyog ko ang balikat ni Neo na agad umakto na para akong hahampasin dahil sa inis. Kinwento ko na kasi sa kaniya lahat ng natatandaan ko!
"Sa tingin mo ba magagawa 'yon ni Jahiem? Lalo na si Riley?"
"Oo." Mabilis kong sagot.
Bigla siyang natahimik. I was hoping that he's thinking about it. Kasi hindi naman talaga malabo. Alam kong alam ni Neo na hindi na inosente ang Riley na nakilala niya. Ayaw ko namang isisi kay Jahiem 'yon, oo carefree tropa ko at maraming trip minsan pero may sariling desisyon si Riley. Choice niya naman kung magpapa-corrupt siya sa paligid niya.
"What's stopping you from believing me? I was drunk that time, yes that's true pero alam ko kung ang nakita ko at sigurado ako doon." Pagpupumilit ko pa.
Kaya nga ako sumunod sa kanila sa kwarto kasi naramdaman ko na na may mangyayari. Nakita ko na, sa sala pa lang. Hindi lang ako makatayo kasi hilong-hilo ako.
"Bakit ba sa akin mo sinasabi 'yan?"
"Kasi hindi ko pa kayang sabihin kay—"
"Sorry, medyo late." Ayan, speaking of. Tang ina, bigla akong nanghina kay Greno. Parang ako pa nasasaktan para sa kaniya kung sakaling sasabihin ko. "Oh, bakit hindi ka pa nakabihis?" Tinuro pa ako ni Greno matapos niyang makita na nakasuot na si Neo ng pang-detective Conan niya na costume.
"Oo nga pala." I grinned, picking up our costume. Nang i-angat ko iyon, biglang bumagsak ang ekspresyon niya. Si Neo naman natawa na lang ng malakas.
"No way, Halvint."
"Sige, hindi na rin ako magkukwento about sa nangyari kahapon." Halos umusok ang ilong niya sa pambablackmail ko.
"Fine."
Iyon naman pala. Madali lang kausap kapag usapang Riley Heart.
↬ J A H I E M
We're busy running away from the cops while laughing our asses out. Mas nauuna ako sa kaniya kaya naman hinawakan ko niya ang kaniyang kamay para madali kami. Naka-ilang liko kami sa mga eskenita para lang makatakas.
BINABASA MO ANG
The Art of Rebellion
AdventureThe Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains of injustice, how far would they go to uncover the truth behind the government's actions?