Chapter 13: Trying to save me

147 10 36
                                    

Chapter theme: keshi - alright

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter theme: keshi - alright

↬ R I L E Y

I tied my brown hair up in a messy ponytail when I felt my sweat dripping down. The sun finally said hello to us, it's been a few days with gloomy clouds. I missed the dazzling sunlight.

We finished having lunch, it's 1 PM already. We're done unboxing the goods and now we're busy repacking. 620 families raw ang matutulungan namin dito. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng garage at terrace, sinakop na ng relief goods. I wonder how much money they spent for this. Smells like hundred thousands. Sino kaya ang gumastos rito? Ang parents kaya ni Callais?

"Magkano 'to lahat?" I asked Neo beside me. Kami ang naka-assign na magtakal ng tatlong kilong bigas na ilalagay per bag. Nandito ang spot namin sa malapit sa pool dahil sinakop na nila ang iba pang space.

"250K, estimated."

"Oh... kanino galing?"

"Yung kalhati sa parents ni Callais, yung kalhati sa amin." Napatigig ako sa mga donations. Hindi naman nila kailangan pang maglabas ng ganito kalaking pera kung hindi lang sana binubulsa ng magaling kong ama ang pondo ng bayan. Hindi ako ang may kasalanan no'n pero bakit ako pa ang nakakaramdam ng guilt? Nakakasuka. Hindi ko matanggap na dumadaloy sa ugat ko ang dugo niya.

"No offense, Mayor's daughter, I would die to vote for Callais' mother." Hinayang na hinayang si Neo. "Tang ina, wish ko lang sana hindi na manalo ulit sa susunod tatay mo. Display lang naman siya sa kapitolyo."

"It's not offensive at all, Mayor's distant nephew. We have the same wish." Tumayo ako pinagpagan ang suot.

Dad, I hope you stop. Your relative and even your own daughter not voting for you already says a lot.

"Check niyo pa rin yung mga expiration date." Rinig kong sabi ni Callais na kanina pa palipat-lipat sa bawat kahon para i-double check ang lahat. Sa aming lahat, halatang siya ang pinakapagod. Sobrang generous niyang tao.

"Yes, boss!" Napangiti ako sa sagot ni Lemont. Ang cute talaga nilang dalawa.

"Marami pa ba?" Lukot na ang mukha ko dahil sa init ng araw. Matapos makitang sakto sa tatlong kilo ang tinitimbang kong bigas ay binuhol ko na iyon at sinama sa mga pwede ng ilagay sa bags.

"Medyo kaya mamaya na tayo mapagod." Neo answered me with a chuckle.

Pinagmasdan ko silang lahat. Sa maikling oras na pakikisama ko sa kanila, ang dami ko na agad nalaman. They are still young, but they already have the heart and mindset most of the adults failed to have. They know when to joke around and they don't let a petty bicker grow. Also their generosity and passion. Mature sila for their age. Plus itong donations or volunteer works pa lang na 'to, masasabi ko agad na mabuti ang mga puso nila.

It's sad because I've heard a few bad things about them... about The Chroniqué. They might be reckless, but I think they are just like that because for them rebellion has a purpose. Ang nakikita ko kasi ngayon, sila ang mga taong umaalma kapag may mali at handang tumulong sa ibang hindi kayang ipagtanggol ang mga sarili. I hope everyone will stop judging these precious people.

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon