↬ J A H I E M
"Riley, sabi ni Geema hanggang 10 PM ka lang raw." Binilisan ko ang pagpapalit ng t-shirt sabay alis ng pagkakapatong ng paa ko sa compartment nang buksan ni Neo ang pinto ng kotse niya at hinayaang sumakay si Riley sa shotgun seat.
"10?! 8 na oh! Malalasing ba ako in 2 hours?"
"Aba! May balak ka bang magpakalasing?" Neo asked, hands placed on his waist. Napangisi na lang ako at nilakasan ang volume ng radyo para hindi gaanong marinig ang pagtatalo nilang dalawa. They fight like siblings though, it's irritating yet funny.
"Defargo." When I heard Neo calling me by my last name, I immediately turn down the volume of the music. Gano'n kasi siya kapag seryoso ang sasabihin. "11 PM na ang pinakalate ha? Susunduin ko kayo, dapat nasa labas na kayo that time."
"Yes, boss."
"At bakit ka nandiyan?" He pointed at the driver's seat. Kanina kasi siya ang nagmaneho patungo rito sa bahay ng lola ni Riley pero ngayon gusto ko ako na, nakakabagot umupo lang.
"You can drive?" Riley asked innocently.
"He can't."
"Don't worry, may pambayad ako sa hospital bills." I smirked while locking the seatbelt.
They expected me to drive recklessly because of what I've said, but what's happening right now is really the opposite. Like seriously? Why would I insist if I can't drive well?
Keshi's Right Here is playing softly on the radio and I tried my best not to sing along or even hum. I don't know, I'm still not that comfortable with Riley's presence. Parang sapat na muna na kilala niya ako at wala siyang alam sa mga preferences ko sa buhay o kung sino talaga ako.
When the stoplight changed its color, I pulled the break and the car stopped. I opened the window and rested an elbow on the pane, my other hand is still holding the wheel. I stroked my hair and let my fingers hold the brown locks to prevent the wind from messing it up. Napalingon sa akin si Riley at saktong napatingin rin ako sa kaniya. She immediately looked away, making me smirk. This girl can't even handle an eye contact.
"M-Malapit na?"
I hummed in response. Maya-maya lang ay sinara ko na ang bintana at nagmaneho na ulit. Tahimik lang si Neo sa backseat, actually lahat naman kami. Palibhasa bugbog ang katawan namin kanina, lalo na sila, madaling araw pa lang ay gising na ang mga 'yan.
It only took a few minutes to arrive at the bar. Todo bilin pa si Neo bago siya tuluyang umalis. Damn, he nags like a mom.
"Excited ako!" Tumalon-talon pa si Riley habang papasok kami. I stared at her weirdly. Kanina lang ang lungkot niya tapos ngayon ganiyan na.
"First time mo?" She nodded and my mouth formed a small circle, realizing my instincts were right. It's a good thing pala na sa restobar ko lang siya dinala. Ang gusto pa nga niya kanina ay sa club, na-sense ko na talaga na hindi pa siya nakakainom noon kaya tumanggi ako, sabi ko masyadong magulo sa mga club.
BINABASA MO ANG
The Art of Rebellion
AdventureThe Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains of injustice, how far would they go to uncover the truth behind the government's actions?