Chapter 8: Conflict of passage

174 14 38
                                    


↬ J A H I E M

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

↬ J A H I E M

Saturday. Last day of the week. Tapos na ang midterms kaya naman wala ng masyadong ginagawa ang lahat. Well, except for us. We have a lot of things to deal with.

Nakarating na sa iba ang away namin ni Greno kaya naman ganito katahimik ngayon dito sa office. The thick, uneasy tension is very obvious in the atmosphere. Fuck, I know this is all my fault. 

"Jahiem." I heard Neo's voice calling my name. Nakaupo siya sa table niya habang seryoso ang tingin sa akin. I sighed heavily before approaching him, plopping down his swivel chair. Bahagya siyang tumagilid para magkatinginan kami. "You should have sort things out with Greno, hindi ka dapat biglang umalis kahapon."

"I know." Huminga ulit ako ng malalim. "We both suck at anger management so do you think it's a good idea to talk?" Kung ginawa namin ang sinasabi ni Neo, hindi usap ang mangyayari sa amin ni Greno. Panibagong gulo lang ulit. Parehas pa naman kaming hindi nagpapatalo.

"Ngayon baka pwede na? Siguro naman parehas nang malamig ang mga ulo niyo." Kalmado lang ang pananalita niya. Hindi katulad kahapon na parang siya pa ang sasabog para lang maawat kami. "He already told me what happened. May I know your side?" He asked carefully.

"He's longing for closure." I shrugged my shoulders. Napag-usapan na namin 'to noon. I told him that closure isn't really necessary, but he said for him it's a must.

"Sigurado ka bang closure? Hindi kasi iyon ang nakikita ko kay Greno." Hininaan niya ang boses niya kahit pa wala naman dito ang taong pinag-uusapan namin. "It's not closure that he's longing for, it's Riley."

Umangat ang kilay ko. "You think so?"

"Ewan, iyon ang nakikita ko. Sinabi niyang bang hindi? Kung sakali, sinungaling naman 'yon kapag usapang Riley Heart." Bahagya siyang tumawa. 

"He's very transparent with me and I haven't heard him saying he still want her back." Or maybe I just overlooked. Baka mas napagtuunan ko ng pansin ang kagustuhan niya na closure.

"Riley Heart was marked in his heart." Umikot ang mga mata ko sa kabaduyan ni Neo na ngayon ay tawa lang nang tawa.

The door burst open and Greno entered with his bag hanging lazily on his left shoulder. I pushed my cheek using my tongue, watching him walk raggedly. He spilled me a glance, an ice carved into his dark eyes. He's still mad. Probably not the perfect time to apologize. Baka balewalain niya lang.

From the other side of the room, we heard Callais fake coughing and Lemont supporting him. "Magbati na oh!"

"Akala niyo ba cute kayo kapag nag-aaway kayo ng ganyan?" Gatong pa ni Halvint habang diretsyo ang tingin sa nilalaro. "Parehas lang kayong mali, nagpapataasan pa kayo ng pride."

"Sorry, pero saang banda ako mali?" Inis na binagsak ni Greno ang bag niya.

"Ang taas nga naman ng pride!" Pagpaparinig pa ni Halvint habang nag-iinat. 

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon