Chapter 11: Bittersweet memories

142 9 16
                                    

Chapter theme: Marion Aunor - Akala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter theme: Marion Aunor - Akala

↬ R I L E Y

I have a love-hate relationship with rain.

I love the cooling every droplet brings. I love how it serenades me with calmness. I love the smell when they hit the ground that creates an Earthy smell when it stops.

But...

What I hate about the rain is the memories, it brings back a lot of memories. They say the rain will cleanse you away, but why doesn't it work on me? It just makes me reminisce everything I don't even want to remember.

Malakas ang ulan sa labas kaya heto ako, nakaupo sa pinakasulok ng kwarto habang nakikinig ng soft rock music. The Fray's Look After You. I adjusted my earphones and sipped my hot cup of coffee. Rain, coffee and my favorite playlist would be a great combination to calm my mind pero kontrabida ang mga ala-ala ko. Ayaw nila ako maging masaya.

I have bittersweet memories from the past.

My mom gave birth to me when it was raining, and it's also raining when she died when I was thirteen. Same with Greno. I met him back in 9th grade during the rain, and when we had our official breakup recently, the clouds cried with me.

My favorite hellos and painful goodbyes happened during downpour. That's why rain tasted bittersweet.

Pinunasan ko ang basa kong pisngi at dahan-dahang tumayo mula rito sa sulok. Inabot ko ang cellphone ko at sinubukang tumawag. Kailangan ko ng kausap. Sinubukan kong tawagan si Neo, kakamustahin ko sana siya kaso cannot be reach. Hindi ko na matandaan ang huli naming usap. But I could still remember how I broke my walls, reactivated my Facebook again just to call him via Messenger para lang mangamusta. Why not? Neo is a good friend. A real friend. 

Napatigil ako sa pagscroll sa contact list nang makita ang name ni Greno. We exchanged numbers that night, but he never texted me, I didn't text him either. 

But now, I decided to call.

And it took so many rings before he answers.

"Yes, Ri?" Napangiti ako nang marinig ang boses niya. Kaso nga lang ibang-iba na ang tono. Para na lang talaga siyang nakikipagusap sa isang kaibigan. "May kailangan ka ba?"

"Kamusta ka na?" Wala akong masabi kundi iyon. Pero 'di ba doon naman sinisimulan ang isang usapan kapag may gusto kang sabihin?

"Hmm...ayos naman. Ikaw ba?"

"Okay lang."

"Ahh..."

Hindi ko na alam. Gusto ko siyang kausapin, gusto ko siyang tanungin. Kaso everytime na gusto kong magsalita parang pinuputol niya ako agad. Parang ayaw niya akong pagsalitain. Parang dapat siya lang.

Kaso nahihirapan na kasi ako. Ipon na ipon na lahat sa puso ko. Gusto ko lang naman ipaalam sa kaniya lahat kaso di ko alam kung paano o saan ako magsisimula.

"Riley? Still there? May kasama kasi ako, may gagawin pa—"

"Mahal kita." I said quickly, cutting him off.

Natahimik ang kabilang linya. The howl and beating rain was louder than anything, but I could still manage to hear his steady breathing. I am anticipating even though at the back of my head, I already knew that his response will hurt me. This is going to hurt. Sa kaniya na nga galing na friends na lang 'di ba? Tapos ako naman ito... umaasa pa rin. 

"Mahal kita." Pag-uulit ko pa kaso binagalan ko na ang pagkakasabi dahil baka hindi niya lang narinig o naintindihan kaya hindi siya makasagot.

"Ingat ka."

Then he hung up.



_

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon