Chapter 19: The reason

125 9 42
                                    

Trigger warning: Depression, referencing topic on self-harm

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Trigger warning: Depression, referencing topic on self-harm

↬ R I L E Y

"GO, DEFARGO 13!" Pagcheer ko kay Jahiem habang winawasiwas sa ere ang pahabang balloon na ninakaw ko sa booth namin kanina. Sipa sipa na niya ang bola at malapit na rin siyang makagoal!

Tuluyan akong napasigaw nang sipain niya iyon na hindi naman nablock ng goalkeeper. I like how some of his teammates interacts with him, a few tapped his shoulders while some showed thumbs up. Jahiem remained emotionless, blowing some air then placing his hands on his waist. He's dripping with sweat, but his green jersey remained dirt free despite of the foul incident happened earlier between him and the opponent. Nakakapikon talaga 'yon, mukhang wrestling ang hanap. Ipapalunok ko na talaga sa kaniya ang bola kapag inaway niya pa ulit si Jahiem.

Nang i-angat niya ang ulo niya ay inangat ko rin ang banner na pinaghirapan ko kagabi, naghalungkat pa ako ng mga meme face niya sa gallery ko para dito.

Ngayon lang siya napangiti ulit matapos niya akong makita. "Thanks, fan!" Nagflying kiss pa siya sa gawi ko na agad kong sinalo at binato sa kung saan. Nagtawanan kami bago siya tuluyang tumakbo paalis.

"Excuse me. Boyfriend mo si Jahiem Defargo?" Usisa ng katabi ko at pansin kong nakatingin rin sa akin ang dalawa niya pang kasama.

Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa bago umiling. 

"Ah buti naman." Bigla silang nagbulungan matapos akong kausapin kaya nahila ko siya sa braso. Ang disrespectful ha?

"Bakit? May problema kay Jahiem?" I asked.

"Oo. Fuckboy raw kasi 'yan. Buti nga iyon lang, akala ko two timer rin siya." The brunette answered then the gossiping started between the three of them. Kumunot lalo ang noo ko. Hindi ko ugaling makinig sa usapan ng iba pero parang hindi kasi tama na pinag-uusapan nila si Jahiem matapos nilang magsalita ng gano'n. 

When I look at Jahiem, I caught him stealing a glance at me na para bang nagtataka na rin siya kasi halatang hindi na maganda ang timpla ng mukha ko. 

"Girl, makinig ka." Ako naman ang hinila nila. Sakto namang pinasa ulit kay Jahiem ang bola kaya inalis na rin niya ang tingin sa akin. "Imagine may girlfriend siya ngayon tapos lapit pa siya nang lapit sa 'yo. Who knows? He might be trying to get in your pants, so be carefu—"

"Excuse me?!" I sounded offended. Very offended.

"Makinig ka muna—"

"A guy and a girl can't be friends?! Isa pa, wala na siyang girlfriend at kahit pa may girlfriend siya, ayos lang na lumapit kasi wala naman siyang masamang intensyon. Malinis siya mag-isip hindi katulad niyo."

"But, he's a bad person—"

"Fuck you!" Tuluyan na akong napatayo at binigyan siya ng malakas na suntok sa mukha. Sakto namang nagtayuan rin ang mga tao at nagpalakpakan pa. Napatigil tuloy ako kasi bakit naman pinapalakpakan nila ang pananakit ko sa isang bruha. 

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon