↬ J A H I E M
Pass five in the morning and I'm already awake only to be messed up by my thoughts. The headache caused by hangover feels as if the blackest of clouds are over my head. Nakatitig lang ako sa kisame habang paulit-ulit na naiisip ang away namin ni Greno. I could still remember everything na para bang sariwa pa rin lahat ng ginawa niya, lahat ng sinabi niya. Basta talaga galing sa kaniya, tumatagos.
Nagising lalo ang diwa ko nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Si ate ba 'yon? Ano bang kailangan niya? Manghihiram na naman ba siya ng black na t-shirt?
"Ano? Wala na akong mapapahi—"
Natigilan ako.
Kakaisip ko sa mga pinagsasasabi ni Gren, nagawa ko nang naghahallucinate. Nandito siya sa aking harapan at nakangiti pa. "Lasing pa yata ako." Isasara ko na sana ang pinto kaso bigla niya akong inatake ng yakap.
"Gago ka talaga." Natauhan ako sa lakas ng tapik niya sa akin.
"Lalo ikaw." Napangisi na lang ako at tinapik siya pabalik.
Dahil do'n, sabay na kaming pumasok. Nakisabay ako sa kaniya sa kotse at saktong pagkarating namin sa campus, biglang bumugso ang ulan. Nakakainis nga kasi may pasok pa. Malakas kaya ang paparating na bagyo dito.
"Hindi pa ba magsususpend?" Ngumuso si Lem habang naghahanap ng announcement sa Facebook at Twitter.
"Waterproof tayo." Halvint chuckled.
"Magiging waterpark muna ang campus bago ang suspension." Gatong pa ni Callais.
We heard a loud roar of thunder after lightning lit the dark sky in brilliant streaks. Sobrang lakas ng ulan, minsan hindi na kami magkarinigan rito.
"Jahiem! Kanina pa kita tinatawag!" Katulad niyan.
"Bakit ba?" Binulsa ko ang magkabila kong mga kamay at nilapitan si Greno. Sinilip ko ang ginagawa niya. Sakop na ang table pati ang couch sa dami ng sketches at pens. I jolted from my seat. "Yes, Architect Guinevere, how may I help you?" I jokingly asked when I realized he's doing his plates.
"Saan ba maganda ilagay ang parking? Dito o dito?" He asked while pointing at his sketch. Tinukod ko ang magkabila kong mga kamay sa table at pinagmasdan iyon mabuti. We basically exchanged ideas and took a few minutes. Wala kasi sa option niya ang sagot ko na ayaw niyang i-consider. Pinili ko na lang tuloy ang una niyang tinuro pero naisip niya raw na parang hindi fit. Kada suggest ko ay may pangontra siya. Kanina pa kami nagtatalo.
I took a deep breath and stared at him with a blank face. I'm so done.
Tinaas niya ang magkabila niyang kilay.
"Too perfectionist." Natawa ako at umiling pa.
"I should be. Gusto mo bang tumira sa bahay na hindi pantay?"
BINABASA MO ANG
The Art of Rebellion
AventuraThe Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains of injustice, how far would they go to uncover the truth behind the government's actions?