Chapter 23: When things turn cold

135 7 3
                                    

Chapter theme: keshi - skeletons

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter theme: keshi - skeletons

↬ J A H I E M

"So what exactly happened?" Nakatahimik lang kami ni Ryu at Lemont. Hinayaan na lang namin na si Neo ang magtanong kay Callais na siyang inaasikaso ng isa nilang kasambahay. Her parents freaked out when they found out their son got shot, they want to send him to the nearest hospital, but Callais refused. Ayos lang raw siya.

"Sumunod kasi ako sa gym kaso maaga palang tinapos ang event. That's when I found out na kaya pala tinapos agad ay dahil roon sa bomba." He explained. "Allegedly." Callais quoted in the air.

"Then?" Neo intertwined his hands, resting them on top of his knees.

"Then I saw that man looking so suspicious. Hindi siya napapansin ng mga pulis dahil abala ang mga ito sa pagchecheck ng area. Tumabi pa sa akin ang lalake habang nakikipag-usap sa cellphone, narinig ko na hindi raw niya natuloy ang pagtatanim ng bomba. I confronted him, but he ended up running away. Hinabol ko siya at saktong pagkarating ng iba pang pulis ay binaril niya ako, nakailag ako kaya ang balikat ko lang ang natamaan."

"But are you fine now?" Lemont asked, his eyes are filled with worry. Sumunod lang siya rito sa bahay nila Callais nang malaman ang nangyari.

"Yes." He answered firmly and showed a thumbs up. "Nabitawan niya ang baril niya at sinubukang tumakbo pero pinatid ko siya saka pinulot ang baril. Iyon ang eksenang naabutan nila Jahiem." Napatingin siya sa akin kaya tumango-tango ako. 

So that explains everything.

"This is the second time. Sana hindi na magkatotoo sa susunod at sana wala ng susunod." Lemont said.

Second year college ako noong nangyari ang unang bomb threat sa Uni. Tatlong araw kaming nawalan ng pasok dahil doon, but it turns out there's no bomb. Pananakot lang pala ang lahat.

"Sana makahanap na kami ng sagot sa taong 'yon. Salamat sa paghuli, Cal." Neo said.

"No worries." Callais answered. "Kung hindi ko mahuhuli 'yon, paniguradong hindi na siya hahanapin kinabukasan. Pansin niyo? Laging pinagtatakpan ang mga krimen dito sa siyudad kaya akala ng mga taga-kabilang siyudad malinis ang lugar natin. Kung alam lang nila ang mga nakatagong dumi rito."

That made us think.

It's true though. I noticed that too. 

For example, street robberies. Hindi 'yan pinapansin dito, sasabihin pa sa 'yo bakit kasi hindi ka nag-iingat. Kahit ang catcalling na may multa na sa ibang lugar, isisisi pa sa 'yo bakit ka kasi nagsuot ng ganiyang damit. They don't even care about those issues here.

Nakakapagtaka lang kasi nitong gabi lang naman nalaman na may bomba pero may pinadala agad na mga pulis at military forces. Sa ibang krimen hindi naman sila gano'n kabilis umaksyon. Ang bibilis din ng media kanina kumpara doon sa barilan na nangyari sa plaza. I just don't want to blame the journalists kasi binababaan lang naman sila ng trabaho kung ano ang mga balitang dapat i-cover.

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon