Chapter 50: To kill a rebel

132 7 5
                                    

Trigger warning: Death

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Trigger warning: Death

↬ R I L E Y

"Bakit naman mas nauna pa ang celebration kaysa sa graduation niyo?" Neo asked in confusion while munching his cake.

I can't believe Jahiem just threw a party just because he wanted to. Biglaan nga 'to, kaninang umaga niya lang naisipan. Pagkagising niya raw bigla na lang siya nakaramdam na kailangan niyang magpaparty. Seriously, he's so unpredictable. Sometimes he does the most random things and say the most stupid dialogues.

"Oo nga. Dalawang araw na lang naman. Excited kayo?" Callais commented. Tinuro naman ng tatlong graduating din si Jahiem na nasa dining area lang habang naghihiwa ng cake. Napatigil tuloy siya nang mapalingon kaming lahat sa kaniyang gawi.

"Ano?!" Sigaw niya at sinagot lang namin ng tawanan.

Nandito kaming lahat sa bahay nila dahil dito gusto ng lahat. Isa pa, ayos naman na lahat rito. Makakagalaw na kami ng maayos.

The celebration went on, everyone's dancing and singing along like they'd forgotten how to stand still. Halvint is flipping the pages of the song book since he's gonna sing after Cal and Ryu's duet.

Tawa lang ako nang tawa dahil sinasadya nilang gawing sintunado ang mga boses kahit may potential naman sa pagkanta. They are acting drunk even though there's no liquor here. Pass raw muna sila doon. Pansin ko hindi na rin sila masyadong umiinom. Mga nagbagong buhay na siguro kasi nga naman, hindi na sila mga bata. Marami nang responsibilidad na kailangang harapin.

But I mean, they need no alcohol to be hyped. Their craziness is enough.

"Ayan, umulan tuloy!" Tumawa si Lem matapos kumanta ni Halvint. Natawa na lang rin ako dahil bago pa man din makipagtalo si Halvint ay siya namanh pagbugso lalo ng ulan.

Napailing na lang ako at tumayo. "Kuha lang ako ng cake." I told Greno and he immediately unwrapped his arm around me.

Pagkarating ko sa dining area, I found Jahiem there, on his phone. Text nang text. Parang kanina pa siya doon ah?

"You shouldn't be using your phone at your own party." I pointed out in a joking way. Sirang-sira na kasi ang eardrums ko kakavideoke ng iba roon sa labas tapos siya nandito lang.

"Nagreply lang kay mama, tinatanong kasi kung anong flavor ng pizza ang iuuwi niya sa akin." He chuckled. "I said Aloha."

Napasimangot ako sa pang-aasar niya. Alam niya kung ano ang magiging reaksyon ko. "Akala ko noon ayaw mo ng pineapples on pizza. Doon pa naman tayo nagkasundo." I said. Tanda ko pa rin noong una kong nalaman na puro aloha ang inoorder niyang pizza. Sumama ang loob ko doon kasi pati ba naman kako iyon sinikreto niya pa sa akin. Pero ngayon tinatawanan ko na lang. 

"I just said that to be friends with you." He said, sticking out his tongue. "Kawawa ka naman kasi noon, wala kang friends." Pasmado talaga bibig minsan. Hindi ko nga alam kung bakit ko naging kaibigan 'yan. Kung paano ko siya natagalan. I'm too sensitive for his blunt personality. Yung sense of humor niya ay nagsusumigaw na sarcasm.

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon