↬ G R E N O
It's been days since I have read messages. Usually, I just open group chats incase may announcements mga subjects. I rarely open messages na hindi related sa school. Pakiramdam ko naubusan na talaga ako ng panahon.
From Jahiem:
Miss ko na kagaguhan mo.
Sana ikaw din.
Nasapo ko na lang ang noo ko nang makitang sent three days ago pa yung message.
From: Neo
Suspended!!!
Otw kami kila Callais
Iyon naman last week pa pala.
I'd be lying if I say I don't feel any distance with them. Pakiramdam ko napakalayo ko na sa kanila. I mean the friendship is still there, but the bond is fading.
Ah, does it even make sense?
Damn college.
"Babe, keep your phone away please? I'm talking eh." May nagpop ulit na message pero hindi ko na tiningnan. Pinatay ko na lang ang iyon at binulsa.
"So you're saying?" I cleared my throat, glancing over at Zera. Parang nainis na siya agad.
"Nevermind." She sulked as her lips twitched. Sumandal na lang siya sa sasakyan at siya naman ang nagcellphone. Again. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Sorry, nagcheck lang ako ng messages." I said, but received no response. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatitig sa malayo. Ganiyan 'yan kapag galit. "Sorry ulit." Inalis ko na ang tingin sa kaniya at nagmaneho na lang.
Mukhang lilipas na naman ang araw na magka-away kami.
Hininto ko ang kotse dahil sa red light. Nakatalikod sa akin si Zera kaya mabilis kong nilabas ang phone ko at nakita kong nakabukas pa pala ang tab ng message ni Neo.
Mabilis lang akong nagtype ng "sorry, babawi na lang ako" bago itago muli ang phone.
The next day, okay na kami ni Zera. She finally answered my calls earlier this morning. Ngayon naman, kagagaling ko lang sa department niya pero wala pala siya doon. Nagmall raw saglit kasi vacant na niya.
I mean, okay naman kami pero bakit hindi siya nagsabi sa akin? Doon ko pa talaga nalaman sa blockmate niya. Lalake raw ang kasama. Hindi na ako nagtanong nang nagtanong tungkol roon. It's okay. I don't overthink just because he's hanging out with guys.
I trust Zera.
"Gren!" Inalis ko ang tingin sa phone at hinanap ang tumawag sa akin. Si Ryu pala. Tinanguan ko lang siya at nginitian.
BINABASA MO ANG
The Art of Rebellion
AdventureThe Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains of injustice, how far would they go to uncover the truth behind the government's actions?