↬ N E O T R I E U
Kami na lang ni Jahiem ang sumama sa police station. Iniwan ko na lang si Riley doon sa bahay kasi baka magkasakit pa. Nag-insist silang sumama pero hindi na ako pumayag.
At isa pa, napaka-awkward nila ni Jahiem. Hindi magandang idea kung pagsamahin sila sa isang lugar. For sure hindi pa nila napapag-usapan ang dapat ayusin kaya ganiyan.
"Kung ako ang tatanungin dapat layo rito sa Cal, I mean he's just trying to help people with lower status. Just blame the manufacturer." Bulong ni Jahiem habang pinanonood ang nangyayari.
So basically Callais is being questioned because of the relief goods that he sent two weeks ago. Ang natanggap raw ng complainant ay expired na. Ayon naman kay Callais ay ito ang unang beses na nakatanggap siya ng ganitong reklamo kaya ang tingin namin it's either may isang expired canned goods sa donation or the complainant is just making up a story. Alin lang do'n. It's not that Callais would purposely do that.
I know his heart and intentions.
"Same thought, but of course there will be legal opinions about this." I waited for the police officer to speak pero kusang dumako ang tingin ko kay Callais. He had his jaw clenched and all he could do is stare at the floor.
He looks totally guilty and for what?
Kung totoo man na may nakalusot na expired, hindi pa rin siya ang dapat na sisihin rito. He may be responsible for this as well, but he's not the one to be hundred percent blamed.
Nang umangat ang tingin niya at tumama iyon sa akin. Pinag-ekis ko ang magkabila kong braso at inilingan siya. He should keep his calm. Baka lalo pa siyang idiin kapag nakita kung gaano siya kahina ngayon.
"Ma'am, you can claim damages on the manufacturer itself, but of course Mr. Lawndale has also the responsibility to not be negligent." The police said. Kanina rin napag-alaman namin na connection sila ng complainant kaya pala gano'n na lang kabilis nakarating sa ganito. Usually kasi kapag may reklamo ka sa isang tao o sa mga ganitong bagay, sa social media muna idadaan.
"So ano po ang mga posibleng kaso na isampa ko sa kaniya?" Dinuro pa ng complainant si Callais at kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata nito.
"Maaari niyo po siyang sampahan ng the reckless imprudence resulting to administration of injurious beverages and substances kasi nga po kagaya ng nabanggit ko kanina, kapabayaan niya na rin ito."
"If you don't mind I'd like to talk to my mom first to inform my whereabouts." Callais finally spoke.
"You can't, hijo. We're still in the middle of questioning." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ng pulis na 'yon. Bigla na naman akong nagduda. Kanina pa niya ayaw pumayag ah?
"I demand a call. I know my rights, officer." Umangat ang sulok ng labi ko sa sinabi ni Cal na para bang nawalan na ng kaba. Napatingin siya sa akin kaya agad ko siyang tinanguan.
BINABASA MO ANG
The Art of Rebellion
PertualanganThe Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains of injustice, how far would they go to uncover the truth behind the government's actions?