↬ J A H I E M
"Nireplyan ka? Ako hindi?" I sulked at Neo. Nabanggit niya kasi yung late reply sa kaniya ni Greno na late niya rin nasabi sa akin dahil ngayon na lang siya nakabisita ulit.
"Magkapitbahay lang kayo, para namang hindi kayo nagkikita."
"Hindi nga."
Hindi na lang siya sumagot.
Nakatambay lang ako rito sa office niya habang hinihintay siyang tapusin ang mga paper works. I took a sip of my coffee and hovered my glance over every files.
"Marami ka palang trabaho pero pinipili mo pa rin kaming samahan." Sabi ko sa kaniya.
"Alam mo namang kailangan kong magbawi." He chuckled. "Next time i-level up natin ang set. Attend tayo sa mga free con sa plaza. Gago, nakaka-miss."
Plaza...
Naalala ko tuloy bigla ang incident noon sa plaza na hindi man lang na-cover ng media. The bomb threat that happened on the same day is all over the news and internet to the point na natabunan na ang shooting incident na nakita namin ni Riley. Kung hindi ako nagkakamali, dalawa ang namatay doon.
Lahat rin ng post tungkol roon biglang nawala kinabukasan.
Bakit?
"How dirty is the media?" I asked Neo and that caught his attention. Kumunot pa ang noo niya noong una. Can't blame him. It was a sudden question.
"Alternative facts. Post-truth. Fake news. Plus some networks are biased. But don't blame the journalists, they are just doing their job. Binababaan lang sila ng utos kung ano ang dapat i-cover. Plus, dumarami ang kaso ngayon na nire-red tag ang mga journalist kapag critical sila sa isang mataas na public figure o kaya sa politiko." He said that left me thinking. "Bakit?" Tanong niya saka nagpatuloy sa pagtatype.
"Wala lang..."
"Hmm? Wala?" Tumagilid ang ulo niya. "Sigurado ka?"
"Actually... naalala ko lang bigla si Riley doon sa plaza." Isang beses pa lang namang nangyayari, siguro hindi pa tamang magduda.
"So? Anong connection ni Riley at ng media—huh, okay na kayo?" Sa sobrang busy ni Neo wala na siyang balita na noong isang buwan pa kami nagkaayos. Sasagot na sana ako kaso sakto namang nagring ang phone ko. At sakto ulit kasi si Riley ang tumatawag.
"Walang yelo." Bungad ko sa tawag. Umangat tuloy ang dalawang kilay ni Neo.
"Gago. Jahiem, may nagseset kasi. Ayaw ko namang sumama kaso baka magalit sila."
"Bakit ba ayaw mo? Tagal mo ng walang inom." Biro ko sa kaniya. Moody talaga 'tong si Riley. May mood siya na sobrang alcoholic niya pero minsan naman kung makaasta akala mo allergic sa alak.
"Ayaw ko! Wala ka kaya!" She half yelled. Pero pakiramdam ko narinig pa rin ni Neo. Tahimik lang kasi rito sa office niya.
"Humindi ka lang. Enough reason na dapat 'yon."
BINABASA MO ANG
The Art of Rebellion
ПриключенияThe Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains of injustice, how far would they go to uncover the truth behind the government's actions?