Chapter theme: Jack & Jack - Tension
↬ R I L E Y
I arrived at the club alone.
No, actually hindi pa ako pumapasok. I'm afraid some regular customers here will harass me or something. Sanay ako na kasama ko si—wala, hindi ko muna siya dapat isipin. I'm here to enjoy.
But, fuck! How can I enjoy this night kung nandito rin siya? Great. Now hindi na lang si Greno ang iiwasan ko, pati siya.
Hanggang ngayon kasi hindi pa rin kami okay. First time lumagpas sa dalawang araw ang away namin. Naninibago ako, hindi naman kasi kami madalas nag-aaway no'n. Parehas lang kaming puro gaguhan. We don't take things seriously.
And maybe that's the problem.
"Riley!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Kumaway si Halvint mula sa hindi kalayuan. "Sakto pala ang labas ko."
"Saan ka ba pupunta?" Sabay kaming naglakad papasok.
"Susunduin ka sana. May nag-utos lang. Hindi ka raw kasi sanay na pumasok mag-isa sa mga ganito." Natahimik ako sa sinabi niya. Could it possibly be him? No, imposible. Galit siya sa akin.
When we entered the club, Halvint lead me to a VIP lounge. I saw Neo there, laughing his ass off while talking to someone I'm not familiar with. Callais is also there, beside Greno...and Zera. Isa nga pala siya sa focus ng celebration na 'to, bukod kay Jahiem na nakaupo lang at nakikitawa kila Neo.
"Bakit hindi kayo nagsabay ni Jahiem?" Tanong ni Halvint sa akin. So hindi pala sinabi sa kanila ni Jahiem na hindi kami okay?
"May dinaanan pa kasi ako, sabi ko mauna na siya." Pagsisinungaling ko.
Nag-ingat ako sa bawat galaw para walang makapansin na nandito ako. Uupo na sana ako sa may dulo ng sofa kaso...
"Riley!" Thanks, Cal. Eh 'di nasa akin na lahat ng atensyon niyan.
Napatingin sila sa akin, lalo si Zera na tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa. She looks shocked seeing my get up. I'm wearing a black corset top which exposes my stomach, a newly bought jeans that was ripped on the knee part, and a pair of sandals that made me two inches taller. My hair was tied up in a high ponytail which is very unusual of me.
But what makes everything feels more odd is my lips aren't painted blue. I wore a matte red today.
"Am I some kind of alien? Bakit ganyan kayo makatingin?" Tanong ko.
"Hindi ka pala si Riley." Biglang bawi ni Callais nang makita ang pula kong labi.
"Ako ang konsensya mo." I joked as I sat beside him. Tumabi na rin sa akin si Halvint.
"Wala ako no'n." Biro niya pabalik.
"Hi, Riley!" Tumayo si Neo para makipagfist bump sa akin na agad kong ginantihan. He asked me something pero parang napako ang tingin ko kay Jahiem nang mapansin ang titig niya. Umiinom man siya sa red cup, alam kong nasa akin ang tingin niya ngayon.
BINABASA MO ANG
The Art of Rebellion
PertualanganThe Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains of injustice, how far would they go to uncover the truth behind the government's actions?