Chapter 32: A kept act

106 5 0
                                    

Chapter theme: Tate McRae - stupid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter theme: Tate McRae - stupid

Featured song: Lauv - Reforget

↬ G R E N O

Hindi maganda ang kutob ko sa natanggap kong reply sa kausap ko. Natatakot akong buksan, natatakot akong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. 

Gano'n kasi eh. Iyon ang problema sa akin.

Takot ako sa katotohanan.


From: Halvint

Talk to her.

Baka mali pala ako.


I clenched my jaw, almost crashing my phone with a trembling grip. Hindi na lang ako nagreply at hinarap si Zera.

Pero ang katotohanan, kailangan hinaharap.

"Kanina pa kita tinatawagan." I swung my backpack on my left shoulder again, shoving the dying phone inside my pocket.

"Sorry, may inasikaso lang." Umangat ang isa kong kilay sa naging sagot niya. Napapadalas ang inaasikaso niyang 'yan ah?

"Kalat ang lipstick mo." Tinuro ko ang labi niya at para bang nagpanic siya at agad na tumalikod para ayusin 'yon. I could feel the anger. My clenched fists and jaw are trembling again.

Saan ako nagkulang, Zera?

Sa buong byahe, tahimik lang akong nagmamaneho habang siya ay nagcecellphone lang. Her little giggles hurts a lot because I know the reason behind that. And it wasn't because of me.

Hanggang sa makarating kami sa condo unit niya, nakatahimik lang ako. I took a deep breath and pretended I'm busy with my phone too. Naramdaman ko naman ang paglingon niya sa akin kaya umangat muli ang tingin ko sa kaniya.

"Who are you talking to?" She asked.

"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?" Binalik ko na lang ulit ang tingin ko sa phone. Wala naman talaga akong kausap, just random scrolling on my feed to distract myself.

"Babe, you're not talking to me kanina pa tapos ngayon you're acting like that? Hindi kita maintindihan." Now she sounded pissed. "Bahala ka nga, hindi nakakatuwa ang mood swings mo na 'yan." Babalik na naman sana siya sa pagcecellphone pero marahas ko iyong hinablot at pinatay.

"Kasalanan ko ulit? Tang ina, nakakapagod na sa totoo lang. Puro na lang ako." I didn't mean to snap at her, but I couldn't help it. Bigat na bigat na ako.

"Siguro it's better if we split up na 'no? Pagod ka na rin naman." Well, fuck. I didn't expect that one. Gano'n na lang kadali tapusin ang lahat para sa kaniya?

"All I want is the best for the both of us. Ganiyan na lang kadali para sa 'yo bitawan 'to, Zera?" It just shows na ako lang ang bumubuhat sa relationship na 'to. Parang sa akin na lang nakalaan lahat. Kapag nagkaproblema dahil sa kaniya, dapat ako lang ang aayos. Let's add the fact na puro mali ko na lang ang nakikita niya.

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon