Chapter 4: Suddenly friends

244 18 47
                                    

Featured song: The Fray - How To Save A Life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Featured song: The Fray - How To Save A Life

↬ R I L E Y

Sinilid ko ang magkabila kong kamay sa bulsa ng aking jacket pagkalabas sa Elysian University. I'm now enrolled and I'll continue studying PolSci there, ang program at career na pinakaayaw ko. Why? Simply because politics is dirty and I hate some politicians especially my own father. He's a dirty person who do dirty things that I couldn't stomach.

That's why I decided to live with Geema—my Grandma. Ayaw niya ng tinatawag na Lola o Granny. Mafefeel niya raw kasi lalo na matanda na siya. She's actually not that old, 79 pa lang siya at malakas pa.

I have money now so I rode a bus at umupo sa bandang gitna. Geema said if I'm gonna ride a bus, dito lagi sa gitna para raw kapag may aksidenteng nangyari o kapag may bumangga sa sasakyan, hindi ako gaanong maiipit. Kahit mga simpleng paalala lang niya ay tinatandaan ko pa rin. Nakakainis man minsan ang mga bilin nila sa atin pero wala namang masamang sumunod, 'di ba? Walang masamang mag-ingat.

Dumungaw ako sa bintana nang umandar na ang bus. Naalala ko na naman si Jahiem at ang kagagahan na ginawa ko kagabi. Sobrang nakakahiya lalo na ang paghalik ko. Feeling ko nabaliw ako noong mga oras na 'yon, ang iniisip ko lang ay makatakas. God knows how many sorry I uttered yesterday before and after that incident. But I know it's not enough. Hindi ko talaga alam, ipit na ipit lang talaga ako sa sitwasyon.

To block my thoughts, I plugged in my earphones to listen to my favorite song. How To Save A Life by The Fray. This band, specifically this song made Greno and I close. Pansin ko ngang iisa ang "thing" namin kaya madali kaming nagkasundo. Kahit pa sa internet lang umiikot ang relationship namin noon, ramdam ko pa rin ang connection. It worked kaya lang tanga ako, hiniwalayan ko siya bago pumunta sa Canada. Hindi ko rin sinabi ang reason, basta bigla akong nawala. Ngayong nauuso ang word na 'ghosting' feeling ko gano'n ang ginawa ko sa kaniya. Ang sama ko.

I did blocked my thoughts about Jahiem, but the song made me think about someone else. Wala rin. I guess I'll never be at peace unless I'm cold and lifeless.

"Geema, I'm home!" I removed my converse shoes with my foot then placing them on the rack. Magagalit siya sa akin kapag hindi ako organized. Bet if she try exploring my thoughts, she'll explode since she hates messy things.

"Riley, hija. Nandito ka na pala." Lumabas si Geema mula sa kusina. Mukhang nagluluto na naman siya ng lumpia kasi iyon ang naaamoy ko. "Nandito ang daddy mo."

"Po?!" Kaya nga ako umalis sa mansion para hindi siya makita tapos ngayon pupuntahan niya ako rito? Kapag inaya niya akong umuwi, hindi ako sasama.

Nasa bahay kubo raw namin si daddy. Nagmadali akong pumunta do'n. Hindi ako excited, gusto ko lang talagang malaman ang pakay niya rito para makaalis na siya. As far as I know, kakatapos lang ng election at nahalal ulit siya bilang mayor ng Elysian City kaya bakit siya nandito? Bakit may oras pa siyang puntahan ako?

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon