Chapter 25: To complicate

108 5 5
                                    

↬ R I L E Y

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

↬ R I L E Y

I feel like a criminal at the gunpoint.

Alam ko sa sarili ko na wala naman kaming ginagawang iba, at kung meron man ano naman sa kaniya? Wala pa ring mali do'n.

But his stare, the way he stare at me, at us, pakiramdam ko maling-mali ako.

"Ayaw niyong makisaya doon?" Greno poured himself an alcohol and drank it straight. Napalunok ako at napatingin sa parte ng dance floor kung nasaan sila. Kami na lang pala ang kulang.

"We're still talking." Jahiem said firmly. Nalipat tuloy sa kaniya ang tingin ko.

"Okay." Binaba na lang ni Greno ang shot glass pero bago siya umalis, sumulyap muna siya sa akin.

"Riley." Hindi ko pa rin magawang tumingin kay Jahiem. Sinubukan kong umalis pero pinigilan niya lang ako ulit.

"Let me go." I had my jaw clenched. Nang tuluyan ko siyang harapin ay napabitaw na rin siya. Ang talim ng tingin niya sa akin ako tuluyang iwan mag-isa rito.

Sakto naman ang pagbalik ni Neo na nahuli pa akong nakakunot ang noo habang sinusundan ng tingin si Jahiem. Nilingon niya rin tuloy si Jahiem na ngayon ay dire-diretsyo lang maglakad palabas na akala mo walang tao sa paligid.

"Riley, okay lang ba kayo ni Jahiem?" Diretsyong tanong sa akin ni Neo.

"Bakit naman hindi kami magiging okay?" I faked a laugh. Sa totoo lang ayaw kong pag-usapan. Things between us became more awkward because of what happened. Sobrang nabobother ako. Siguro dahil may nakakita sa amin? At si Greno pa? Well, damn.

"Bakit binabalik mo sa akin ang tanong?" Ngumisi siya at pinatong ang magkabilang braso sa railings. Pinagmasdan lang namin ang mga nagsasaya sa dance floor.

"Okay lang kami." Inangatan lang ako ng isang kilay ni Neo at napangisi. Alam kong hindi siya naniniwala.

In the end, kay Neo na lang ako sumama. Kahit wala sa plano ko maging honest, nakapagkwento pa rin ako sa kaniya kahit papano. Ang dulas talaga ng bibig ko kapag may alak sa sistema. Pero hindi ko naman sinabi lahat, nakapagpigil pa naman ako.

"Alam mo..." Panimula niyang muli nang matahimik kami. "They're like Atlas and Icarus. Jahiem is Atlas while Greno is Icarus."

"Why are you pulling a Greek Mythology on me now?" I scoffed after hearing Icarus, siya lang kasi ang kilala ko. I don't know that much about Atlas. 

"I'll make it make sense." He cleared his throat as if he's ready to cite a report.

"Who's Atlas?" I asked suddenly. "No, I mean... I know him, but not that much."

"See? You don't know Atlas that much, just like what you are to Jahiem."

"What?" Naningkit ang mga mata ko.

The Art of RebellionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon