The Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains of injustice, how far would they go to uncover the truth behind the government's actions?
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
↬ L E M O N T
It's Friday! My favorite part of the week!
Every Friday kasi, every student here in Elysian University will be given a chance to wear whatever they want to wear, fake dye their hair, wear piercings, or whatever they want to do with themselves. You do you without minding the school rules for a day. It's because of our proposal na inaprubahan pa last year. Ito din ang dahilan kung bakit naging matunog ang pangalan ng club namin.
Kasi kahit sa saglit na panahon lang, nagagawa nilang maging malaya at gawin kung anong gusto nila.
Dito rin nakabawi si Neo sa kanilang lahat, dahil dito nalinis niya ang sariling pangalan sa karamihan. They all hate Neo simply because he's the son of the Principal. Hindi ko rin naman sila masisisi. Kung hindi ko rin kilala si Neo baka ayawan ko rin siya kasi hindi malayong pareho lang sila ng ama niya. Pero hindi. Kung mayroon man dito na gustong tapusin ang pagdidikta sa lahat, si Neo 'yon. Kaya niya kaming ipaglaban. Kahit pa laban sa sarili niyang magulang.
Kaya nga importante muna na kilalanin ang isang tao bago manghusga.
Neo is nothing like his father.
"Nice hair, Lem!" Someone riding on his hoverboard tapped my back. Hindi ko na siya nakilala kasi ang bilis ng andar niya. Namiss ko tuloy ang hoverboard ko, iyon ang ginagamit ko dati noong senior high school days tuwing pumapasok ako.
Speaking of my hair, I just sprayed some blonde highlights, wala pa nga itong binatbat sa ginawa ko noong unang Freedom Friday, I fake dyed it blue.
Dahil ang dami nang bumabati sa akin ay kinuha ko na lang phone ko at tinext si Cal. Nandito ako sa department nila—College of Business Ad. BSBA Major in Business Management ang program niya. Maraming nakakakilala sa akin rito kasi dito rin ako dati, course ko rin dati ang program niya. Sa sobrang lapit ko kasi kay Callais, akala ko good idea na kahit sa program ay parehas kami pero doon ako nagkamali. Kaniya-kaniya pala talaga ang bawat tao.
I'm now studying Performing Arts, nagshift ako this year. Matagal ko nang gusto 'to ever since I started dancing back in highschool.
Kaya lang ang daming pumigil sa akin, ano daw bang mararating ko sa degree na 'to? Dapat raw ba na gawing trabaho ang passion? Akala nila wala akong patutunguhan rito. But this is a career as well. In demand man o hindi, lahat ng taong nagsisikap at madiskarte ay may mararating.
But I can't deny the privilege I have. Nagawa kong piliin kung anong gusto ko dahil marami akong koneksyon, siguradong may patutunguhan ako at may tatanggap sa akin kahit hindi "in demand" dito sa bansa ang pinili kong program.
I'm very thankful for having this kind of life.
I hope other people has the privilege to pursue their dreams too.
"Hoy!" Isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sa kabilang hagdanan. Si Callais pala na ngayon ay tinitingnan na ng mga dumaraan. "Kanina ka pa ba nakatapos?" Tanong niya nang makalapit. Tiningnan ko siya. Petiks lang, parang wala lang sa kaniya ang puro numero na exam.