↬ C A L L A I S
Friday na ngayon. Noong Wednesday pa ng madaling araw nakalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility. Dalawang araw rin kaming nagsuffer sa bagyo na 'yon. For sure ang daming damages na iniwan kasi ang lakas talaga.
Hindi ako sigurado dahil kulang sa coverage ang balita kagabi. Ni hindi pinakita ang pinakanasalanta. Paano kung may gustong mag-abot ng tulong sa ibang lugar? Bulok talaga mag-cover ang media rito sa lugar namin. Puro mababangong balita ang pinalalabas.
Ang nakakainis pa, binanggit roon na pinaplano na ng mayor ang parating na tulong. Pinaplano pa lang ha? Naghihintay pa ba ng pasko 'yon?
Kung si mommy ang nanalo sa eleksyon, hindi magiging ganito. Si mommy, responsable 'yon at maaasahan, may malasakit rin sa mga mahihirap kasi minsan na niyang naranasan ang pakiramdam na walang-wala.
Hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa naging resulta kahit pa una pa lang alam ko ng mananalo na naman ulit ang naging mayor noon, si Mr. Racelis. Napakaraming nag-endorso sa kaniya, iba't ibang malalaking kumpanya maging ang university namin.
Apart from the citizens who are now suffering as a result of the current mayor's incompetence, I feel sorry my mom the most. I couldn't even vote for her.
"Guys dito na lang." Kinusot ko ang mga mata ko at tinuro ang bakanting pwesto na pwede paglagyan ng mga sako ng bigas. The goods arrived last night, expected ko na kaya hapon pa lang tinawagan ko na sila Neo para makapagsimula kami agad kinabukasan. We love doing this kind of things aside from volunteer works on our community. We love helping other people.
It's three in the morning. Neo, Ryu and Halvint are already up and we're currently here at the garage. Nilipat ko muna ang mga kotse sa garden kasi ang garage ang may pinakamalaking space rito sa bahay na pwede naming pagpwestuhan. Lemont is still sleeping. Sabi ni Neo ang cute raw matulog ng bunso kaya huwag raw muna gisingin.
"Kumpleto na ba lahat ng goods?" Humikab si Ryu na mukhang puyat na puyat talaga.
"Hindi pa." Buti talaga hindi sila nag-aya ng movie marathon kagabi kundi sabog na talaga ako ngayon. Dati talaga hindi ko kayang magpuyat, but college taught me to. Kailangan talaga.
"Bakit wala pa ang dalawang itlog?" Tanong ko.
"Dalawang itlog nino?" Humikab pa si Halvint at halos papikit na naman ang mga mata niya. Kaso napamulat siya nang biglang humalakhak si Neo. Ito talagang pinakamatanda sa amin parang elem na tuwang-tuwa sa mga kaberdehan.
"Alas tres pa lang, Neo. Kumalma ka." Tinapik ni Ryu ang ulo nito at tumulong na rin sa pagbubuhat.
"Nagtext sakin Jahiem, sunod raw siya maya." Napalingon kami sa nagsalita. Pagewang-gewang pa si Lemont habang nakaangat sa ere ang cellphone niya. Antok na antok oh!
"Bakit naman para kang lasing riyan?" Tinawanan ko ang itsura niya. Tuluyan na siyang napaupo sa damuhan at pumikit. Napailing na lang ako lalo na nang makitang ang spongebob na pajama ko pa pala ang kinuha niya sa damitan ko kagabi.
BINABASA MO ANG
The Art of Rebellion
AvontuurThe Chroniqué is a dissolving freedom club formed by rebellious students of Elysian University. Raised to follow immoral rules, bred to bleed stains of injustice, how far would they go to uncover the truth behind the government's actions?