─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Sa mga sumunod na araw ay napakaraming naganap sa school. Paminsan-minsan, dinadalaw ako nila Mommy dahil hindi ko na nahaharap pang umuwi. Pinapaalala lang naman nila sa akin ang birthday celebration na magaganap next month.
Ayaw ko na sana ng bonggang celebration pero sabi kasi nila Mommy, kailangan daw kasi eighteen na ako. In-invite niya pa 'yong mga dormmates ko pero hindi raw sila pwede dahil medyo malayo.
"Hey!"
"Solana," ngumiti siya sa akin at sumabay na maglakad.
"Nasaan si Stella?"
"Ewan? May aasikasuhin daw siya," kibit-balikat kong sagot.
These past few days lagi na lang busy si Stella. Madalang ko na lang siyang makasama. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya sa buhay pero sana hindi siya gumawa ng bagay na ikakapahamak niya.
"Pwedeng sumabay ka na lang sa amin mag-lunch," alok niya pero tumanggi na ko dahil baka mga classmates niya ang kasama niya. Nakakahiya.
"Ano ka ba? Ako, si Ate Xavi saka si Xavier lang ang mga kasama ko."
Ha? Eh 'di lalong hindi ako papayag. Madalas kaming magkausap ni Xavier sa DM. Lagi niyang tinatanong kung kumusta na ang araw ko, tapos kung kumain na ba ako o ano. 'Yong mga typical na galawan ng mga pa-fall.
"Kaysa naman mag-isa ka diba? Teka ayun pala sila."
Hinatak niya ako papunta sa table ng magkapatid. "Sasabay ko lang itong friend ko na makipaglunch sa atin Ate Xavi, Xavier. Wala kasi siyang kasama," dagdag niya bago ako pinaghila ng bangko.
"You're my student, right?" nakangiting sabi ni Ma'am Xavina. She's very pretty. Hindi na nakapagtataka kung bakit excited laging pumasok ang mga classmate kong lalaki kapag siya ang teacher.
"Yes ma'am. Selene Francheska Lopez po," pagpapakilala ko.
"Really? A Lopez..." sandaling lumamlam nag mga mata niya bago muling nagsalita. "By any chance, are you related with Sebastian Lopez?" tanong niya. Medyo nagulat ako kasi kilala niya si Kuya kahit hindi naman kami taga-rito.
"Kuya ko po," magalang kong sagot. Dapat talaga magalang tayo sa lahat ng tao lalo na sa magiging sister-in-law natin.
"Really? How is he?"
Hindi ko alam kung bakit siya interesado pero sinagot ko naman siya ng matino.
"He's happily married na po. May dalawa na po siyang anak," sabi ko habang nakangiti. Huminto naman na siya sa pagtatanong dahil dumating na rin si Xavier dala ang mga pagkain namin.
Naupo siya sa tabi ko at ipinamigay ang pagkain ng bawat isa, "How are you?" he smiled.
Napangiti rin ako. Lagi siyang ganyan, minsan kapag nagkakasalubong kami nginingitian niya ako o kaya naman tutulungan ako sa mga bitbit ko.
"Ayos lang," simpleng sagot ko.
"Eat your food then," he said.
Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin kaming kumain. Kailangan kong magmadali dahil 1PM ang klase ko.
"Nagmamadali ka ba?"
Nilingon ko siya. Mukhang may balak pa siyang manatili dito. Nauna na kasi si Ate Xavi, saka si Solana. Tiningnan ko ang relo ko, 12:30 na. Syempre dapat hindi ako marupok kaya syempre sasagot ako ng 'oo, nagmamadali ako!' Aba, baka akala niya easy-to-get ako.
"Selene?" muli niyang kuha sa atensyon ko.
"Ah, hindi naman..." sagot ko.
Okay lang naman siguro 'yon, magta-tricycle na lang ako kahit sa RSTC lang naman ang klase ko. Naupo kami sa student hall.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
Roman d'amourIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...