Chapter 16 | Tibok

431 77 16
                                    

─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Nakita ko si Solana na binubuksan ang bintana. Inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto, nandito na ako sa silid namin nila Stella.

Akmang tatayo na ako subalit sumigid ang hapdi sa kaibuturan ko. Doon muling nanariwa ang ala-ala na pinagsaluhan namin ni Xavier kagabi. Hindi na ako virgin! Tinanong ko sa sarili ko kung may pagsisisi ba ako pero wala akong maapuhap kahit na katiting.

"Selene, are you okay?"

Nabalik ako sa reyalidad ng makita ko si Solana sa harap ko. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.

"Anong oras kayo dumating kagabi? Hindi ko na kayo namalayan," tanong ko.

Ngumiti sa akin si Solana. Pero bakit parang may mali sa mga ngiting iyon? Umaandar na naman ang pagiging observant ko, kainis.

"Mag-a-ala una na rin yata 'yon. Tulog na tulog ka kasi. Naghihilik ka pa nga which is odd kasi hindi ka naman talagang naghihilik unless sobrang pagod na pagod ka. Ano bang ginawa ninyo ni Xavier kagabi?"

Nagkanda-ubo naman ako dahil doon. Napatitig tuloy siya sa akin at tila sinusuri ako. Hindi ako dapat magpahalata. Akmang sasagot ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Hello, everything!"

Si Stella iyon. Malapad ang ngiti niya at mukhang maligaya ang loka-loka. Natutuwa ako at nailigtas niya ako sa pag-i-interogate ni Solana pero naiinis pa rin ako sa kanya.

"Bakit nandito ka? Baka kailangan ka pa ng friend mo," inis kong sabi.

Sinubukan kong tumayo at lumakad ng maaayos kahit na sa bawat hakbang ko ay parang binubuhusan ng alcohol ang mga sariwa kong sugat.

"What? Selene, teka."

Humabol sa Stella ngunit nabuksan ko na ang pinto. Naiiyak na ako sa hapdi, sobrang sarap kagabi tapos ngayon sobrang sakit na. Nang makita ako ni Xavier ay agad siyang lumapit sa akin. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kanya. Pinaikot naman niya ang kamay niya sa bewang ko.

"Selene, sorry na. Babawi ako sayo promise. Kailangan lang talaga ako ng kaibigan ko," sabi ni Stella at halos mapahiyaw ako ng haltakin niya ako mula kay Xavier at saka ako biglang niyakap. Nanubig ang mata ko hindi dahil nata-touch ako kundi dahil sa kirot na nararamdaman ko.

"Stella... dahan-dahan," masuyo akong binawi ni Xavier kay Stella.

"Aww, ang baby umiiyak pa. Sorry na," sabi pa ni Stella.

Hindi naman na siya pumalag dahil sa ginawa ni Xavier. Kung alam mo lang ang tunay na dahilan kung bakit nanunubig ang mata ko, malamang dinagdagan mo pa ang pasakit ko. Tumango na lang ako sa kanya para matapos na kami.

"Yes!" hiyaw niya at yumakap pang muli.

Napangiwi ako at hindi iyon nakaligtas sa mata ni Xavier, "Stella, mag-impake na kayo ng damit ninyo at aalis na tayo pagkatapos nating mag-umagahan," sabi niya.

Akmang hihilahin na ako ni Stella pero ikinawit ni Xavier ang braso niya sa bewang ko, "Ako na muna ang bahala sa kanya, Stella."

Napipilitang binitawan ako ni Stella kaya si Solana na lang ang hinawakan niya. Bubulong-bulong na umalis si Stella at sa lahat ng bulong niya isang salita lang ang rumehistro ng malinaw sa pandinig namin, 'damot'. Isip-bata talaga.

Muntik pa akong mapasigaw ng pangkuin ako ni Xavier at pumasok kami sa kanyang kwarto. Kung saan nangyari ang lahat. Malinaw pa sa ala-ala ko ang naganap dito, kung nagsasalita lang siguro ang mga pader ay kanina pa nila kami binash dahil sa ginawa naming kababalaghan. Maingat niya akong ibinaba sa kama.

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon