─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Stella and I went on a shopping the next day. Bumili kami ng kung ano-ano. Nakakatuwa na nakukuha ko na ang mga bagay na gusto ko gamit ang sarili kong pera. Legit ang saya kapag ikaw na ang sumusustento sa mga luho mo.
"Birthday kamo ng Mama ni Xavier?" tanong ni Stella.
Inaya ko kasi siya sa jewelry store para maghanap ng pang-regalo para rito.
"Oo," tipid kong sagot. Abala kasi ako sa pagtingin sa estante ng mga bracelet.
"Ano na ba kayo ni Xavier, Selene?"
Napahinto ako at lumingon kay Stella.
"Hindi ko alam," sagot ko.
Hindi ko naman talaga alam basta ang alam ko, ako ang problema kaya hindi kami makausad na dalawa.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa mga bracelet na naroon, "Baka kasi kailangan mo munang palayain ang sarili mo sa kasinungalingan na sinabi mo sa kanya. Tell him the truth, Selene. Long overdue na ang love story ninyo ni Xavier."
Hanggang matapos kaming mamili ni Stella ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo.
"Tangina talaga nitong si Hunter. Nakakagigil. Mag-aayang mag-bar tapos mang-i-indian naman," badtrip na sabi ni Stella habang nagtitipa ng reply sa cellphone niya.
Halatang problemado si Hunter ngayon, bakas sa mga shows na ginagawa niya ang pagiging balisa niya. Gusto namin siyang damayan ni Stella pero hindi naman niya kami sinisipot.
Five o'clock na ng magdesisyon akong mag-ayos para paghandaan ang party ng mama ni Xavier.
I am wearing my nude choker neck pencil dress paired with my Louis Vuitton heels and purse. Alas syete ng matapos ako at saktong paglabas ko ay nasa salas na si Xavier.
"Wow! Sexy," puna ni Damon pero agad din siyang natigilan dahil masama na ang tingin sa kanya ni Xavier. Tatawa-tawa siyang umalis doon at pumasok sa kwarto niya.
"What are you wearing?!" he spat angrily.
Bumaba ang tingin ko sa dress ko,"Ang ganda kaya."
Nagtagis naman ang bagang niya. "You're showing too much skin," he said while clenching his jaw.
"Ito lang namang area na 'to."
Tinuro ko ang dibdib ko. He massaged the bridge of his nose and shut his eyes tightly.
"Change for not-so-revealing clothes. Please, baby. Baka ma-eskandalo si Mommy kapag nakita ka niya. And besides, t-that part is exclusively for my eyes only," he pleaded.
Padabog ko siyang tinalikuran. Kainis naman kasi. Aaminin ko namang medyo revealing. No scratch that, revealing talaga ang suot kong damit. Sa top kasi itong breast area ko lang talaga ang natatakpan, ngayon ko lang naisip na nakakahiya nga iyon pero nasuot ko naman na ito no'ng nasa Belgium ako eh.
Namili na lang ulit ako sa closet ko ng damit. I changed my clothes with my burgundy bodycon bandage dress. May konting skin pa rin iyon na ipinapakita pero kaunti na lang kasi long sleeve na rin naman. Lumabas akong muli at nadatnan ko siya na prenteng nakaupo sa sofa.
"Much better baby," he said while his eyes blazed with adoration. "You look sexier and hotter," he whispered. He snaked his arm around my waist and pulled me closer to him.
"Xavier ha!" I warned him.
"I'm not doing anything," he said while pouting his lips.
Bakit ba napakamalaro ng taong ito ngayon. Bumabalik na naman tuloy ang pagiging marupok ko.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...