─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
[R-18]
Lumabas ako ng banyo na nakatapis lang pero napasimangot ako ng maabutan ang t-shirt at boxer short sa ibabaw ng kama.
Hinintay ko siyang bumalik sa kwarto pero mukhang wala siyang balak matulog doon. Hinanap ko rin siya sa buong kabahayan pero hindi ko siya makita. Ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa kama at pinilit ang sarili na matulog.
NAGISING ako dahil sa tumatamang sinag ng araw sa mukha ko. Binuksan ko ang kaliwang mata ko para silipin ang paligid pero wala kahit na anino ni Xavier.
Humihikab ako ng bigla siyang lumabas sa banyo na nakatapis lang. Ang nakapikit kong mata ay biglang nanlaki at hindi ko na muling naisara ang bunganga ko.
What the hell? Ang fresh niya tapos aabutan niya ako sa ganitong hitsura? Ang unfair!
"Papasok na ako sa office," tipid niyang saad bago pumasok sa walk-in closet niya.
Lumabas siyang nakasuot na ng armani suit niya at inaayos ang necktie niya. Agad akong bumangon at pumunta sa harapan niya. Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi ako nagpasindak. Inagaw ko mula sa kamay niya ang necktie niya at ako na ang nag-ayos para sa kanya. Seryoso akong nakatitig doon at hindi ko na napansin ang malamyos niyang titig sa akin.
"Ayan, okay na!" Maligaya kong sambit at pinagapang pa ang palad ko sa shoulder blades niya.
Tumikhim siya at kinuha ang suit case niya bago umalis. Nilinis ko muna ang kwartong hinigaan ko bago ko naisipang umuwi sa unit ko. Halos madapa pa ako ng makita ko si Stella sa labas at inip na inip na nagdo-doorbell.
"Iste," humahangos na saad ko.
"Pucha! Saan ka ba galing, may concert ako ngayon! Tinatawagan kita para isauli ko ang purse mo pero isa kang dakilang boba dahil pati cellphone mo iniwan mo rito! Saka na kita sesermunan at uusisain. Male-late na ako. Bye." Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya tuluyang umalis.
Binuksan ko ang unit ko at umupo sa sofa. Tiningnan ko ang email ko pero wala pa ring message sa akin si Hazel. Hanggang kailan ba kasi ang usapan ni Xavier at Miguel Cornelius? Tutal ay wala rin naman akong gagawin. Pupunta na lang ako sa office niya para interviewhin siya, sasabihin ko na bayad iyon doon sa appointment naming nasayang.
ALAS tres ng hapon nang magdesisyon akong puntahan siya sa opisina niya. I am wearing my sheer mesh and stripes keyhole front bodycon dress paired with my Louboutin heels. Sinimplehan ko lang para kunyari hindi ako prepared.
Pumunta ako sa offfice niya at tulad ng dati ay napapalingon sa akin ang mga empleyado. Nagulat pa nga ako ng biglang sumalubong sa akin si Jio, the head of engineering department.
"Hi, Miss." Malapad ang ngiti niya sa akin.
Medyo nanibago pa ako dahil noong una siyang nagpakilala ay parang nahihiya pa siya, ngayon ay tila nakalunok na ng isang drum na confidence.
"Hi, Jio." I smiled at him.
"Akala ko nakalimutan mo na ako. Saan ka pupunta. Hatid na kita?"
Gusto ko sanang tumanggi pero mukhang maligaya siya at ayokong sirain ang magandang ngiti niya kaya sinabi kong sa opisina ako ni Xavier pupunta.
In-assist niya ako papunta doon pero bago iyon ay nakita ko si Carrie na mukhang nakikipagtalo sa isang babae. Pamilyar ang pigura nito, alam ko kung sino siya pero bakit siya nandito?
"Kakulit talaga niyang si Ma'am Carrie, laging inaaway si Miss Solana para papasukin siya sa office ni Mr. CEO."
Agad kong nilingon si Jio dahil naging interesado ako sa sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
Storie d'amoreIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...