─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
"Hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na magaganap ang University Intramurals next month. Kung gusto ninyong sumali, better informed me first para hindi tayo magkagulo. Stella and Selene, gusto raw ni Ma'am Xavina na sumali kayo sa screening para sa Miss CLSU. Mamaya gaganapin ang first screening tapos diyan sa Little Theater ang venue," Our Class President informed us.
Hindi ko naman pinansin ang sinabi tungkol sa amin ni Stella dahil wala rin naman akong balak sumali.
"Selene, ayokong sumali kaya ikaw na lang," Stella said.
Napailing naman ako. "Ayoko nga! Alam mong wala akong experience sa pageantry eh," sagot ko.
Totoo naman, matagal na kong pinipilit ng mga teacher ko noon pero lagi kong tinatanggihan. Hindi naman sa ayaw ko pero kasi kahit gustuhin ko pinanghihinaan naman ako ng loob.
"Try mo lang, Selene. Saka screening pa lang naman. Marami naman kayong pagpipilian," Dina, our seatmate said.
Naki-cheer na rin ang iba kong classmate hanggang sa makumbinsi nila ako, pero ayaw ko naman talaga. Hindi ko na lang siguro gagalingan sa screening.
Maagang natapos ang discussion kasi continuation lang naman iyon ng lesson noong isang araw kaya maaga rin kaming dinismiss. Gusto sana naming umuwi ng Boarding House pero hindi na lang dahil masasayang lang ang oras namin. Pumasok kami sa library upang hindi mainip. Mas pinili namin sa second floor dahil mas maganda ang ambiance do'n, saka parang mas maliwanag pa. Pagkaupo namin ay agad na dumukdok si Stella sa may mahabang lamesa.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. Matagal ko ng gustong magtanong sa kanya dahil nag-aalala na ko. Naghihintay akong magsabi siya sa akin ng problema pero baka hindi na dumating ang araw na 'yon, knowing Stella hindi niya hahayaan na maging pabigat siya, kaya hangga't maaari ay sinasarili niya na lang ang mga problema niya. Iyon ang ugali niyang madalas maging dahilan ng kaba ko. I want to be a friend whom she can share everything but for the past weeks, I never felt like one.
"Iste? Do you trust me?"
Hindi ko maiwasang tanong. Mukha naman kasing hindi.
Inangat niya ang ulo niya at saka ngumiti sa akin, "Oo naman. Ano ka ba?"
Pagkatapos noon ay dumukmo na siya ulit, mukha siyang pagod na pagod. Napailing na lang ako habang tinitingnan siya.
Nagpunta ako sa Literature Section at humugot ng kung anong aklat doon. Nababasa ko naman bawat linya pero napipilitan akong balikan ang iba dahil parang nawawala sa focus ang utak ko. Bumuntong-hininga ako at binaba ang binabasang libro.
Nakatulala ako sa kawalan at ang presensya lang ng taong umupo sa tabi ko ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Alam ko kung sino iyon, I know that scent. Nilingon ko siya at nakita ko si Xavier same hairstyle but this time, with his glasses on. So hot!
Ngayon ko lang napagmasdan ng mabuti ang mukha niya. Mas clear skin pa yata itong tao na 'to kaysa sa akin tapos may mole din pala siya sa jaw tapos ang haba pa ng pilik-mata niya.
"Staring is rude," he said.
"I know. Pero sa lahat naman ng gwapong tinitigan ko ikaw lang ang mareklamo," pang-iinis ko sa kaniya. He glared at me.
"Glaring is rude," humalakhak pa ako kaya nasita ako ng ilang nagbabasa roon.
"Don't stare at other men," May bahid ng inis ang tinig niya.
Tumaas ang kilay ko. "Bakit naman kita papakinggan? Hindi naman kita boyfriend," sabi ko pa.
Kung nakakamatay lang ang titig niya, malamang pinaglalamayan na ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomansaIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...