Chapter 17 | Tropical Depression

433 77 21
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

Time flies so fast, parang kahapon lang nangangapa pa kami ni Stella, ngayon nakakaapat na semester na kami.

Kinakabahan ako, ngayon kasi ang mock defense namin ng thesis proposal sa Literary Research. Though confident naman ako na maayos ang ginawa ko, natatakot nga lang ako sa pagpre-present. Kahinaan ko kasi talaga ang oral kaya lagi akong kinakabahan kapag may mga reporting or presentations.

FROM: Xavier Vistamonte III
Good luck, Selene. I love you.

Napangiti tuloy ako. Simula noong nagkasakit si Xavier last year naging extra sweet na siya. Kaya lang simula rin no'ng maging fourth year na siya naging kaunti na lamang ang oras namin para sa isa't isa.

Madalas na lang kaming magkausap sa phone minsan nakakatulugan niya pa ako. Hindi ko naman siya hinihingan ng maraming time, ayos na sa akin iyong naglalaan siya ng konting oras kahit sobrang busy niya na.

Natapos ang defense namin, medyo nanginginig pa rin ako paglabas ko pero all is well naman. Praise the Lord.

Nakaupo ako ngayon sa bench at hinihintay matapos si Stella. Ilang sandali lang ay lumabas na siya at masayang nakangiti. Siguro ay successful din.

Namamangha talaga ako sa kanya, hindi niya naman kasi talaga masyadong gusto ang course niya pero hindi niya pa rin kasi alam kung anong gusto niya maliban sa pagiging singer kaya pinipilit niyang kayanin 'to, at isa pa siya sa mga honor student namin. Nakakaproud.

"Ayy wow! May usapan kayo?" usal ni Stella pero hindi naman siya sa akin nakatingin. Lumingon ako at nakita ko si Xavier na naglalakad papunta sa akin.

Isang taon at mahigit na kami pero nanatiling pribado ang relasyon naming dalawa. Iilan lang siguro sa University ang may alam. Bihira din kami makitang magkasama, ang alam kasi ng ilan close lang kami dahil sa common friend which is Solana.

Hindi ko alam kung bakit siya nandito ngayon. Wala naman kaming usapang dalawa. Sasalubungin ko na sana siya pero naunahan na naman ako ni Ara Acosta. Kabute ba 'tong woolly worm na 'to,bigla-bigla na lang sumusulpot. Kung ano-ano lang naman ang sinasabi. Nagsasalita pa siya pero narinig kong nagpaalam na sa kanya si Xavier, napahiya tuloy. Nakaabang lang naman ako sa gagawin ni Xavier, huminto siya sa tapat ko, ang mga naroon ay napatitig sa amin tapos iyong mga naglalakad naman ay natitigilan din.

Tiningnan ko siya gamit ang nagtatanong na mga mata. Subalit imbes na sumagot ay yumukod siya at hinalikan ang noo ko. Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. Nagsinghapan din ang mga nanunuod sa amin. Laglag naman ang panga ni Ara kasama ng mga alipores niya. Samatala, malapad naman ang ngisi ni Stella sa akin.

"Let's eat lunch together. Tinext ko na si Solana. She will come with us, ikaw din Stella," sabi ni Xavier kay Stella.

"Oh yes! Hindi ako tatanggi basta libre."

"Oo naman," nakangiting sagot ni Xavier.

Maglalakad na sana kami paalis pero kinuha ni Xavier ang kamay ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Akala ko ba private? Ano 'to?" I whispered.

"Private, Selene. Hindi secret," simpleng sagot niya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Hindi niya raw dala ang sasakyan niya kaya maglalakad na lang daw kami.

"Siya nga pala nasa bahay si Xavian baka gusto mo siyang makita?"

Si Xavian Victorious ang anak ni Ate Xavina, sa Manila ito nag-aaral kaya tuwing bakasyon lang nakakauwi. Magaan kasi ang loob ko doon sa bata at hindi ko alam kung bakit.

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon