Chapter 31 | Neither

439 77 12
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

Buong biyahe ay tahimik lang ako. Nilalaro ng mga daliri ang sariling labi para mawaglit sandali ang mga bagay na bumabagabag sa akin.

Umangat ang tingin ko kay Xavier nang hawakan niya ang kamay ko, "What's wrong?" he asked.

Umiling lang ako at lumipad ang tingin sa labas ng sasakyan.

Nandito na pala kami. Bumaba na ako at hindi ko na siya hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto.

Hanggang makarating ako sa unit ko ay balisa ako. Kumakatok pa si Xavier sa pinto ko pero hindi ko na ulit siya pinagbuksan. Kailangan kong mag-isip, ayoko na ulit magpadalos-dalos.

Tama si Stella, long overdue na talaga ang kwento namin. Marami na kaming mga nasayang na pahina dahil sa mga padalos-dalos naming mga desisyon.

Binuksan ko ang e-mail ko pero hanggang ngayon ay wala pa ring message si Hazel sa akin. Nagtipa agad ako ng mensahe kay Miguel Cornelius para tanungin ang bagay na bumabagabag sa isip ko. Mula sa pagkakatanggap ko sa kompanya nila, pati ang tungkol sa manuscript ko at maging ang tungkol sa interview pero wala akong natanggap na mensahe galing sa kanya.

Hawak ko ang cellphone ko at nakatitig lang sa pangalan ni Xavier na nagpa-flash sa screen ko. Huminga ako ng malalim bago nagtipa ng text para sa kanya.

TO: Xavier Vistamonte III
Magkita tayo bukas. 8AM sa rooftop ng building.

Sinend ko agad iyon at pinatay na ang cellphone ko. Nagbihis muna ako bago pinilit ang sarili na matulog, nagtagumpay naman ako pero saglit lang. Maaga akong bumangon para mag-gym muna, simula kasi no'ng umuwi ako ay hindi na ako nakakapag-work out kaya siguro pakiramdam ko ay nananaba na ako.

"Tita Selene."

Huminto ako sa paglalakad at nakita sina Sapphire at Amethyst, mukhang pupuntahan nila si Xavier. Ngayon ko lang napagmasdang mabuti ang kambal, bakit ba hindi ko napansin noon na napakalaki ng pagkakahawig nila kay—

"Tita!"

"Sinong kasama ninyo dito?" I asked them.

"Si Momma, Tita. Bumili lang po siya ng coffee para kay Papa Xavier," Sapphire answered.

"Ihahatid ko na kayo sa harap ng unit niya. C'mon?"

Agad naman silang tumalima at hinawakan ang magkabila kong kamay at sabay-sabay naming tinungo ang unit ni Xavier.

Nag-doorbell ako at agad naman niyang binuksan. Gulo-gulo pa ang buhok niya at suot niya pa rin ang damit niya kagabi. Pupungas-pungas pa ang mga mata niya. Nanakbo ang dalawang bata sa kanya para yumakap pero agad ring napalayo.

"Ang baho mo po, amoy kang alak. Eww," maarteng sabi ni Amethyst. Nangunot naman ang noo ko kasabay sa pag-angat ng tingin niya sa akin.

"Amy, pasok muna kayo ni Sapphire sa loob."

Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Mabilis namang pumasok ang dalawa. Umangat muli ang tingin niya sa akin at ngumiti.

"Uminom ka ba?"

Lumapit ako sa kanya at inilapit ang mukha ko para amuyin siya pero kinabig niya ako at binigyan ng malalim na halik.

Nalalasahan ko pa ang alak sa bibig niya kaya pilit ko siyang itinutulak. Agad naman siyang bumitiw pero hindi niya pinaglayo ang mga mukha namin, nakasandig ang noo niya sa noo ko at malaya kong nakikita ang pagtaas-baba ng dibdib niya tanda na naghahabol siya ng hininga.

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon