─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Solana Garcia is calling
"Selene, si Xavier. Pumunta ka dito, please!"
"Anong nangyayari?"
"Is that Selene?"
Dinig ko ang boses ni Xavier sa kabilang linya. I bit my lower lip, boses pa lang niya naiiyak na ko.
"Xavier kumalma ka nga!" bulyaw ni Solana sa kanya. Naguguluhan ako sa nangyayari sa kanila doon, "Xavier tara na!"
"I want to talk to her, Solana." he pleaded.
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Pinatay ko ang tawag at tinawagan ko si Stella. Kailangan kong puntahan si Xavier, agad namang dumating si Stella kasama ang family driver nila. Ibinilin ko ang mga pamangkin ko sa mga kasambahay namin pero bago ako tuluyang lumabas ay nakasalubong ko si Felicity.
"Tita? Susunduin mo na ba ang Daddy ko?" inosenteng tanong niya.
Namumugto pa ang mga mata niya. Napakagat labi ako at hinaplos ang noo niya.
"Hindi pa baby. Hindi ko kasi alam kung nasaan ang Daddy mo," I said.
Muling nanubig ang mga mata niya. Hindi ko siya kayang iwan ng ganoon kaya isinama ko na siya. Tinext ko muna si Ate Sofia at Ate Aira na may aasikasuhin lang ako at kasama ko si Felicity.
FROM: Solana Garcia
Nandito siya sa bahay nila ni Ate Xavina.Doon kami nagpahatid ni Stella. Buong biyahe ay kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
ILANG oras na akong hindi mapakali sa kinauupuan ko. Lalo pang kumabog ang dibdib ko ng matanaw ko ang arko papasok ng Muñoz, tanda na malapit na kami.
"Ano ba! Nate-tense din ako. Umayos ka nga!" Bulyaw sa akin ni Stella, huminga ako ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili.
"Selene, huwag kang magpapadalos-dalos ha? Pag-isipan mo lahat ng sasabihin mo? Lahat na nasira, huwag mong hayaang pati ito," she pleaded.
I bit my lower lip, pagod ko siyang tiningnan. Napatakip siya sa bibig niya, "Mali ang iniisip ko diba? Hindi mo gagawin?" she asked worriedly.
Nanubig na ang mata ko. Matagal ko rin itong pinag-isipan. Hindi na ako nakatulog dahil dito at hanggang kaninang umaga ay hindi ako makapagdesisyon ng tama pero sa tuwing makikita ko ang lungkot sa mga mata ni Felicity ay nadaragdagan ang galit sa puso ko.
The intensity of my anger has reached its peak at dahil doon nabuo ko ang desisyong ito. Xavina Victoria Vistamonte ruined the home I once praised. Xavier is his brother, hindi ko kayang tingnan si Xavier ngayon. My anger towards his sister outran the love I have for him.
"Ang unfair mo! Hindi dapat si Xavier ang sasalo sa lahat ng galit mo kay Ma'am Xavina," Stella blurted out.
I looked at her intently, "I love him," kasabay nito ang unti-unting pagpatak ng mga luha ko. "Pero natatakot ako na baka kapag nagpatuloy akong hawakan siya, unti-unti akong mawala sa gitna at hindi na ako makaabot sa dulo. Hindi namin deserve ang isa't-isa. His love was deep, mine was shallow. Hindi niya deserve ang kagaya ko na sa ganitong problema ay natitibag na," I said in between my sobs.
"Then tell him the truth. Don't hurt him with your foolish reason. Tell him about his sister and your brother's affair," she yelled but I abruptly shook my head.
"Magagalit siya kay Xavina," I whispered. As much as I want to hate Xavina for ruining our lives, I can't ruin her name in her brother's eyes.
Napasapo na lang sa noo si Stella. I know how hard it is to deal with me right now pero nagpapasalamat akong nanatili pa rin siya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...