Chapter 13 | Familiar

464 81 36
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───

"Saan ka magki-christmas break?" Stella asked me while packing her clothes. 

"Hindi ko alam. Manila siguro. Lagi naman. It's either kila Ate Sofia or kay Kuya Seb," I answered.

Usually, kasi kapag bakasyon umuuwi ako sa Metro naiiwan sila Daddy sa Azucarera pero susunod sila kapag besperas na ng pasko.

"Ako rin baka pumunta ako sa Metro pero hindi rin ako magtatagal," sabi niya.

Umuwi na si Solana kahapon pa. Sinundo pa nga siya ni Tita Alvira. Nasa labas na rin si Tito Orion, ang tatay ni Stella kasama si Daddy, sinundo rin kasi kami since marami rin kaming gamit na iuuwi. Dad brought the van para doon na rin sasakay si Tito at Stella.

TO: Boyfriend
I'm going home.

FROM: Boyfriend
Keep safe, baby. See you again. I love you.

Ilang buwan na rin simula noong naging official kami ni Xavier. Sa mga nakaraang buwan na iyon ay wala akong ibang naramdaman kundi saya. I can't seem to think of a proper word that will describe all of the blissful months I spent with him.

We arrived at our home after a couple of hours. Tinext ko si Xavier na nakauwi na ako at magpapahinga muna.

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog subalit nagising na lang ako ng maulinigan ko ang marahang pagkatok sa pintuan ko. Binuksan ko iyon at nakita si Mommy.

"Tumawag ang Ate mo, susunduin na raw kayo ni Steffi bukas. Gusto ko mag-bonding muna tayo ngayon," she smiled at me.

Agad naman akong tumalima, naligo at naghanda para sa pag-alis namin ni Mommy. Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko siya kasama si Steffi na nakabihis din.

Inabot na kami ng alas otso ng gabi sa mall. Tulog na sa bisig ko si Steffi dahil sa pagod kakalaro. Sinundo kami ni Daddy at pagdating sa bahay ay agad na akong nag-impake. Tinulungan ako ni Mommy at tinulungan ko naman siya sa pag-iimpake ng damit ni Steffi. Kapag narito kasi ako sa bahay ay sa akin tumatabi ang batang ito.

Nang matapos kami ni Mommy ay nagpaalam na siya na magpapahinga na. Ako naman ay nagbukas ng cellphone at naabutan kong nagre-request ng video call si Xavier.

"Hi," sambit ko matapos sagutin ang tawag. Palakad-lakad pa ako dahil inihahalera ko ang mga maletang dadalhin namin ni Steffi.

"Hello, baby. Pupunta ako sa Manila next week. Would you like to celebrate the New Year's Eve with me and my family?" he asked, agad akong kinabahan. "You don't have to worry. My mom is kind," he laughed. Para tuloy naalis ang batong nakadagan sa puso ko dahil sa tawa niya.

"Sige magpapaalam ako kay Mommy at Daddy," I said.

Mahaba pa ang naging pag-uusap namin bago niya sinabing kailangan ko na raw matulog para sa biyahe ko bukas. Sinang-ayunan ko naman agad iyon dahil antok na antok na rin ako.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Narinig ko ang tunog ng sasakyan sa garahe namin. Agad akong bumaba at nakita si Ate Sofia at Kuya Glenn kasama si Baby Summer.

Kumain muna kami ng breakfast bago bumiyahe patungo sa Manila. Ilang oras lang naman ang tinagal bago kami tuluyang makarating sa bahay nila Ate. Malapit lang naman ito sa Mall kaya naisip kong pumunta roon para magpahangin at para maghanap na rin ng libro.

Nasa starbucks ako ng tumawag si Xavier. Katulad ng kagabi ay magka-video call na naman kami. Tumambay muna ako sa Starbucks para makapag-usap kami ng matino.

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon