─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
MABILIS na lumipas ang mga araw. Naging komportable naman kami sa nilipatan namin. Exam week kaya sobrang naging busy kami. Kinailangan magsubmit ng mga requirements for first term tapos kailangan din na mag-review, bukod doon naging busy na rin ako dahil maya't maya kung tawagan ako ni Ate.
Dahil sa kaganapan, unti-unting humuhupa ang mga agam-agam sa isip ko. Kuya and Ate Aira went back to the Metro to manage our business there and according to Ate Sofia they were doing well. Masaya ako para sa kanila.
Three days before my big day, I came to talk with Xavier. It was one of the rare moments we had in the past weeks. We ate lunch together, talk about something, and went to our respective buildings after the small talk. Those short yet precious moments eventually made me fall for him harder than I expected.
"Are you ready?" Stella asked.
Ngayon na kasi kami uuwi para sa debut ko. Kasabay na namin si Solana since long weekend naman. Medyo naeexcite na nga daw siya dahil first time niyang pupunta sa Tarlac. I rarely see her laughing genuinely but when it happens, mahahawa ka talaga.
"Napakatagal ni Hunter, VIP pa ata ang loko," iritadong sabi ni Stella.
Kasabay din kasi namin si Hunter. Paniguradong mamaya pagdating niya, mag-asawang batok na naman ang makukuha niya kay Stella.
Not a moment later, dumating na si Hunter. He looks so good, pero nawala ang dating niya noong binatukan siya ni Stella.
"Kingina naman Stella!" Inis niyang sabi.
Nagmamasid lang kami ni Solana habang nagbabangayan ang dalawa, hindi rin naman namin sila mapipigilan kaya hinayaan na lang namin.
Mula sa Cabanatuan ay sumakay kami sa bus pauwi. Pumwesto kami sa bandang likuran para hindi na kami magkahiwa-hiwalay pa.
"Pupunta ba si Xavier?" Hunter asked.
"Hindi ako sure," sagot ko.
Mula noong malaman ni Hunter ang tungkol kay Xavier, naging malamig na ang pakikitungo niya sa akin. Magkikita-kita kami, pero si Stella lang ang madalas niyang kausapin. Wala naman sanang kaso kung maging mas close sila kaso nga lang napapansin ko na unti-unti na siyang lumalayo sa akin.
"Ay Hunter, ito nga pala si Cecilia Solana Garcia. Solana, ito naman si Hunter Ezekiel Alcazar," pinakilala sila ni Stella sa isa't isa.
"Cecilia Solana? Blind tapos Sun ang ibig sabihin ng pangalan mo," wala sa sariling saad ni Hunter.
Napairap naman si Stella at saka hinarap si Solana, "Alam mo, weird siya madalas. Parang alam niya yata lahat ang ibig sabihin ng mga pangalan. Sabi niya si Selene daw moon which is totoo naman, ako naman daw star kasi Stella which means star tapos ikaw Solana means sun. Wow! Our parents might be a fan of celestial objects," namamangha sabi ni Stella. Nagkwentuhan pa sila habang ako naman ay unti-unting nilamon ng antok.
Nagising ako at nakitang medyo malapit na kami. Nilingon ko ang tatlo kong kasama at nakita kong mahimbing ang tulog nila, kung hindi siguro ako nagising ay lalampas kami sa tama naming destinasyon. Umayos ako ng upo at kinuha ang cellphone ko sa bag. Binuksan ko iyon at nakita ang mensahe mula kay Xavier.
FROM: Xavier Vistamonte III
Seems like, I can't make it.Nalungkot ako para doon pero baka kasi may kailangan siyang ayusin kaya hinayaan ko na lang. Ayoko naman kasing makaabala sa kanya. Sinabi ko sa kanya na ayos lang naman at 'wag mag-alala dahil hindi naman ako magagalit.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...