─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Lutang na ako pagkahatid sa akin ni Xavier sa bahay ni Ate. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Parang panaginip lamang ang lahat at anumang oras ay maari akong magising at mamulat na hindi pala totoo ang mga nangyayari.
Saktong alas onse ng gabi nang maihatid ako ni Xavier, nakaabang si Ate Sofia at Kuya Glenn sa gate kaya hindi ko tuloy siya makintalan ng halik. Maayos siyang nagpaalam sa amin nila Ate bago umalis. Ako naman ay nagtungo sa kwarto ko at ginawa ang evening routine ko.
FROM: Xavier Vistamonte III
Good night, baby. Thank you for tonight, I love you.I bit my lower lip to suppress my giggles. Ganito ba ang feeling ng may boyfriend? Para akong mangingisay sa kilig.
TO: Xavier Vistamonte III
Good night boyfriend. Dream of me. xoxoNapahagikgik pa ako ng i-send ko ang text sa kanya. Nagbukas ako ng IG at halos mabuwal ako sa kinauupuan ko ng makita ko ang pinost niyang picture. Lahat ng filter ng post niya sa IG ay black and white pero iyong bago niyang post ay colored, as in naka-HD pa ata sa sobrang linaw. Kuha iyon sa rooftop kanina. Nakatalikod ako habang siya ay nakaharap sa akin, bale mukha niya lang ang nakikita. Half body lang ang kuha na iyon dahil sinadyang kuhanan ang buwan na animo'y nasa ulo naming dalawa.
Officially. Yours.
Isang oras pa lang ang post pero umani na ito ng ilang daang likes at comments. May mga nagtatanong kung sino ako pero hindi siya nagre-reply sa mga ito.
Napangiti ako, napag-usapan kasi namin na gagawin naming pribado ang relasyon naming dalawa. Natatakot kasi ako na baka maraming katulad ni Carrie ang bigla na lang manabunot sa akin kapag pinublicize namin ang namamagitan sa aming dalawa.
Nakatulog akong may ngiti sa labi. Maaga kaming aalis bukas dahil pupunta kami sa Tagaytay at pagkatapos noon ay uuwi na kami sa Nueva Ecija. May pasok daw kasi siya ng ten AM, gano'n din naman ako buti na lang walang exam or quizzes sa Monday.
NAPABALIKWAS ako ng bangon nang tumunog ang alarm ko, four AM na. Five thirty ang usapan namin ni Xavier, susunduin niya ko dito at pupunta kami ng Tagaytay pero dahil mabagal akong kumilos nag-alarm ako ng four AM.
Mabibigat ang mata kong bumangon sa pagkakahiga at naghanda ng damit na isusuot. Naupo muli ako sa kama at sinampal ang sarili para magising, dumiretso na lang ako sa banyo para maghilamos. Epektibo naman at medyo nabuhay ang diwa ko, pagkatapos kong maligo ay agad na kong nag-ayos at nagbihis. Kinatok ko rin si Ate sa kwarto nila para magpaalam. I kissed them goodbye and thanked them for letting me stay at their home for a while kahit hindi naman talaga iyon ang plano ko.
Nae-excite akong makita si Xavier, para akong may kiti-kiti at di mapakali. Nakatanggap ako ng mensahe na nasa baba na raw siya. Halos matalisod pa nga ko dahil sa pagmamadali.
Naabutan ko siyang nakikipag-usap kay Ate Sofia at Kuya Glenn. Noong makita niya ko ay agad siyang ngumiti sa akin at niyaya na kong umalis. Nagpaalam ulit ako kila Ate bago tuluyang umalis.
Habang nasa biyahe ay hindi maalis ang ngiti ko. Para akong nakalutang sa alapaap. Nakahawak ako sa kamay niya habang nagmamaneho siya.
"Why Literature?" he asked out-of-nowhere.
"Ewan. Basta ang alam ko gusto kong maging writer at itong kurso na 'to ang magiging daan para doon."
"Pwede ka namang maging writer kahit hindi Literature ang course mo," he said.

BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...