─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Maaga akong nagising para sa pupuntahan namin ni Xavier. Hindi ko na siya naabutan sa kama kaya malamang ay bumangon na siya.
Nilibot ko ang buong kabahayan para hanapin siya at natagpuan ko siyang nakaupo sa porch kasama si Daddy. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya bumalik na lang ako sa kwarto para mag-ayos ng gamit ko.
Ilang sandali pa ay pumasok na siya at tinanong kung handa na ba ako, agad naman akong tumango. Kinuha niya ang mga gamit ko at nagpaalam na kila Mommy at Daddy.
Bumiyahe kami patungong Maynila kung saan nakadaong ang sasakyan naming dalawa. Hindi naman ganoon kahaba ang biyahe dahil ilang oras lang ay nasa harap na kami ng isang yate.
"Where are we going?" I asked him.
Nakasakay na kami sa yacht niya at mukhang patungo sa malayong isla. Gusto ko sanang usisain si Xavier tungkol sa naging pag-uusap nila ni Kuya kahapon pero hindi ko na ginawa. Baka isipin niya tsismosa ako. Kahit medyo totoo naman.
Bago kasi kami magpahinga kahapon ay nag-usap muna si Xavier at Kuya, hindi na kami nakisali pa sa usapang iyon. Hinayaan namin silang dalawa para ayusin ang gusot sa pagitan nila. Pero curious talaga ako, siguro tatanungin ko siya sa ibang pagkakataon.
"It's a surprise, baby."
Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang isla. May iilang kabahayan sa dinaungan namin. Nakasalamuha pa namin ang ilang mangingisda.
"Sir Xavier, ere na baga iyong tinutukoy ninyo?" usal ng isang mangingisda na may kakaibang punto. Naaaliw ako sa tono ng pagsasalita, napakamalumanay.
"Opo, si Selene po ang mapapangasawa ko," Xavier said.
Tinaasan ko siya ng kilay. Mapapangasawa? Tapos hindi ka pa naman nagpro-propose?
"Ala e. Talaga naman hong bagay na bagay kayo nireng mapapangasawa niyo. Maligayang pagdating sa Isla de la Luna, Ma'am Selene." Bati ng lalaking naroon. Bumati na rin ang iilan, kabilang ang mga batang nakikiusyoso lang sa mga huling isda.
Isla de la Luna?
"Salamat po," sambit ko.
"Mang Tasyo, gusto ko po sanang magdala kayo ng isda sa beach house mamaya."
"Naku! Talagang magdadala ako doon, ipapaluto ko na rin sa aking asawa. Ano baga ang gusto ninyong luto nire?" he asked.
"Sinigang po sana," I giggled.
Tumango naman siya. Maayos kaming nagpaalam ni Xavier sa kanila bago magpatuloy sa paglalakad.
Nalampasan namin ang iilang kabahayan at maraming mga puno ng niyog sa paligid. Gusto kong ma-experience ang dagat mamaya. Medyo matagal na rin simula noong huli kong punta sa beach, gusto kong madama muli ang paghampas ng maalat na alon sa aking balat.
Narating namin ang isang glass house, elevated ang bahaging ito kaya medyo natagalan kami lalo na sa pag-akyat pero worth it naman lahat ng pagod dahil kaakit-akit ang makikita mo sa harapan.
"Is this yours?" I asked him.
"Yes," he answered.
"Isla de la Luna means Island of the Moon," I said.
"Yes! I changed the name of the island to remind me of the woman whom I want to share the rest of my life with," he said.
Agad namuo ang mga luha sa mata ko, wala man siyang sinabing pangalan ay alam kong ako ang tinutukoy niya.

BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...