Chapter 25 | Stay

412 78 16
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

Isang linggo ang lumipas matapos ang araw na iyon. Binisita ako nila Mommy dito dahil hindi ko na magawang umuwi pa sa Tarlac. Nagpa-plano kasi kami ni Stella na mag-branch out dahil medyo nakikilala na rin ang bar sa publiko, medyo nakatulong din ang experience ko sa pagiging publicist.

Maliban pa roon ay abala pa rin naman ako sa pagtulong sa mga PR team, may kaunti kasing issue ang company namin. Kahit naman pansamantala akong ginawang interviewer ni Xavier Vistamonte ay isa pa rin akong publicist, and I am still responsible for ensuring that our company is always portrayed positively in the public. Nakikipag-communicate na rin kami sa mga authors tungkol sa advertisement ng mga libro na ipapa-publish nila.

Next time talaga kapag naging maayos ang trabaho ko dito, magpapalipat ako as production editor para medyo gamay ko ang trabaho.

Isang linggo ko na ring hindi nakikita si Xavier. Hindi pa ako ina-update ni Hazel para sa appointment ko sa kanya kaya hanggang ngayon wala pa ring progress ang trabaho ko dito.

"Ano 'yan?" tanong ko kay Damon dahil nakita ko siyang gumagawa na naman ng kung ano-ano.

"Di ka architect, kaya di mo 'to magegets," maldito niyang sagot.

"Taray mo ah! Ganda ka?" sabi ko sabay irap. Tinawanan niya lang naman ako bago nagpatuloy sa ginagawa.

"Hoy kuhanin mo na iyong unit sa kabila," sabi ko. Isang linggo na kasi siyang nakatira dito sa akin. Napagkamalan pa nga siya ni Daddy na ka-live in partner ko.

"Bakit ba pinapaalis mo ako?" kunot-noo niyang tanong.

"Dahil enjoy na enjoy mo ng maging KINUPAL. Leche ka!"

"Anong kinupal?" Kunot-noong tanong niya.

"Kinupkop at palamunin ko!" Gigil kong sabi sa kanya.

Humagalpak naman siya ng tawa. Kinabig niya ako at saka ginulo ang buhok ko. Pinipilit kong alisin ang kamay niya pero ayaw magpatalo ng loko.

Dahil sa kalokohan naming dalawa ay hindi ko na napansin na may nagbukas na pala ng pinto. Agad lumipad ang tingin ko doon at nanlaki ang mata ko ng makita kung sinong ang nakatayo doon. Madilim ang mukha niya, hindi ko kayang makipagsabayan sa titig na iyon kaya nag-iwas ako ng tingin. Kumawala ako sa posisyon namin ni Damon. Nakikipagsukatan naman ng tingin si Damon kay Xavier at dama ko ang tensyon na namumuo sa pagitan nila.

"We have an appointment today, Miss Lopez. Be there in an hour or else, sasabihin ko kay Cornelius na hindi na ako ulit magpapa-interview sa inyo," pagkasabi niya noon ay padabog niya ng hinila ang pinto.

"Wow. Pumunta siya dito para personal na sabihing may appointment kayo? Ganda mo naman pala, baby girl." Tatawa-tawang sabi ni Damon. Kinurot ko siya sa tagiliran bago nagpasyang mag-ayos na.

I feel like dressing up today so I wore my red long sleeve and high-waisted black skirt paired with my red lips and stilleto. Hinayaan kong nakalugay ang aalon-alon kong buhok. Lumabas ako sa kwarto at naabutan kong busy si Damon pero umangat ang tingin niya sakin.

"Wow, sexy." sabi niya pa pero inirapan ko lang siya.

Nagmadali na akong lumabas sa unit ko. Sumakay ako ng sasakyan ko at mabilis itong pinaandar papunta sa Vistamonte Holdings.

IPINARADA ko ang sasakyan ko sa basement at lakad-takbong tinungo ang elevator papasok sa opisina niya. Pagpasok ko ay chineck ko ang e-mail ni Hazel tungkol sa appoinment na 'to pero wala naman siyang message kaya kumunot ang noo ko dahil imposible namang makalimutan niyang ipaalala sa akin ang appointment ko ngayon. Ipinilig ko ang ulo ko upang iwaksi ang iniisip ko.

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon