Chapter 9 | Bliss

497 83 27
                                    



─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

Nakatanggap ako ng tawag kanina na nagsasabing muli kaming maghanda para sa second screening na gaganapin mamaya. Ayoko na sanang umattend kaso nahihiya naman ako sa mga kaklase ko.

"Guys, sino pala sa inyo ang mga naka-dorm? Bibigyan kasi kayo ng excuse letter, sigurado kasing lalampas sa curfew ninyo ang party," tanong ng class president namin.

Agad namang kumunot ang noo ko at tiningnan si Stella pero parehas lang kami ng reaksyon. Anong Party? Nagtaas ng kamay si Stella upang itanong ang tungkol doon.

"Hindi kasi uma-attend kapag may meeting kaya walang alam," sabi ni Laira, ang bida-bidang classmate namin. Inirapan pa niya kami.

Hinarap siya ni Stella, "Bakit tinatanong ba kitang bida-bida ka?" matapang niyang tanong.

"Tama na 'yan. May acquaintance party tayo next Saturday. University Akwe iyon kaya lahat kasama. Next month pa dapat pero baka daw maging busy na sa intrams kaya na-move," malumanay na sambit ng Class President namin.

Nagbigay rin siya ng iba pang impormasyon hanggang sa dumating na ang teacher namin at nagsimula na ang klase.

"Gosh! May party pala tapos wala tayong alam," sabi ni Stella pagkalabas namin sa classroom.

"Hindi ko akalain na nag-uusap pala ang mga langaw," pasaring ni Laira pagkatapos dumaan sa harap namin. Aba! Kulang ba sa aruga 'tong babae na 'to?

"Hoy babaeng bubuyog!" sigaw ni Stella. Nilingon naman siya ni Laira.

"Bubuyog?" sabi nito na tila nandidiri pa.

"Napakaarte! Di naman maganda. Oo bubuyog ka! Jollibee ka diba? Bida-bida?" gigil na sabi ni Stella. Sinang-ayunan naman siya ng mga classmate ko at ayun si Laira, maluha-luhang umalis.

"Ang mean mo," tatawa-tawa kong sita kay Stella habang patungo kami sa Library.

"Bagay lang sa kanya iyon. Hindi naman siya inaano tapos sasabat-sabat siya," gigil na sabi niya.

"Daan na lang tayo sa Mall bago pumunta kila Solana para makabili ng damit," suggestion ko. Sinang-ayunan niya naman ako at gumawa na kami ng term paper namin.

"May lakad ka mamaya?" Stella asked.

Doon ko lang naalala ang tungkol second screening. Tumango ako, sinabi niya rin na may pupuntahan siya mamaya pagkatapos ng 2:30PM class namin.

"Saan ka ba nagpupunta?"

"Paano mo ginawa ang front page mo?"

Napailing na lang ako. Lagi siyang ganito, hindi lang isang beses akong nagtatanong sa kanya tungkol sa pinagkakaabalahan niya pero iniiba niya palagi ang usapan.

SUMAPIT ang hapon at agad akong dumiretso sa Little Theatre. Naroon na rin ang ibang mga kalahok. Mukhang hindi pa naman magsisimula kaya naupo muna ako sa pakalat-kalat na bangko doon.

Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Miss Xavina pero bigla akong naubusan ng hininga ng makita ko si Xavier, bitbit ang ilang gamit ni Miss Xavina. Anong ginagawa niya dito? Agad niya akong namataan at ipinaskil niya na naman ang ngiti niyang nakakanginig ng kalamnan.

"Xavier."

Agad siyang nilapitan ni Ara Acosta, isa sa mga kandidata. Tinanguan lang naman siya ni Xavier at bumaling sa akin pero muling inagaw ni Ara ang atensyon niya. Napapalatak ako. Pustahan tayo magpapabida 'tong babae na 'to mamaya. Halata naman kasing may gusto siya kay Xavier.

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon