─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Nakauwi na ako sa unit ko pero natatakam pa rin talaga ako sa mangga at bagoong, gusto kong kumain pero tinatamad akong lumabas. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang taong alam kong matutulungan ako.
"Oh?" he said impudently.
Napasimangot ako, balasubas talaga 'to. Wala man lang Hello o kaya kahit anong greetings lang.
"Hunt, bili ka ng mangga dalhin mo dito sa unit ko."
"Bakit ako? Hindi ka magpabili sa boyfriend mo," sagot niya.
"Hunt, sige naman na," I pleaded. Gustong-gusto ko kasi talagang kumain at hindi ko alam kung bakit.
"Putangina may shooting ako e!"
Bumagsak na ang balikat ko, mukhang wala ng pag-asa na makain ko iyon.
"Hintayin mo ko diyan," masungit niyang sabi bago ako binabaan.
Napahalakhak naman ako. Baliw lang talaga minsan si Hunter pero maaasahan naman. Pumasok ako sa kusina at nakita ang isang garapon ng nutella doon. Kuminang ang mata ko ng mahagip ang peanut butter na katabi nito, agad ko iyong kinuha at kinain gamit ang daliri ko.
"Ohh shit. Heaven," usal ko at pinagpatuloy pa ang pamamapak ng peanut butter.
Ayoko naman dati sa peanut butter, ayoko ng lasa at texture kaya nga may reserba akong nutella pero ngayon, para akong takam na takam dito. Nitong mga nakaraang araw talaga ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
"Ang sarap," sabi ko ng masimot ko na ang laman ng buong garapon.
Minulat ko ang mata at nakita ang kunot-noong si Hunter. Kanina pa ba siya diyan?
"Hijo de puta, peanut butter lang pala! Akala ko may ginagawa ka ng milagro! Kanina pa ko katok ng katok!" Galit niyang sabi sa akin at ibinaba sa harap ko ang isang supot na mangga at bagoong.
"Salamat Hunter," sinsero kong sagot.
Ginulo niya ang buhok ko bago nagpaalam na aalis na siya. Inihatid ko siya sa may labas, bitbit ko pa ang manggang binili niya.
"May shooting ako Selene ha! H'wag ka na ulit manggugulo," he said.
Mabilis naman akong tumango. Naghihintay kami sa tapat ng elevator. Ibinaba ko ang tingin ko sa manggang bitbit ko at sakto namang bumukas iyon.
Nag-angat ako ng tingin kay Hunter pero sa iba nakatuon ang titig niya. Titig na nang-uuyam. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko si Xavier sa loob ng elevator at may dalang...
Mangga
Merde!
"Vistamonte!" Hunter said.
May bahid ng kung anong emosyon ang boses niya. Hindi ko alam kung nang-uuyam o poot ang emosyong iyon pero ipinagsawalang bahala ko na dahil mas kinakabahan ako sa matalim na tingin ni Xavier sa akin.
Lumabas si Xavier sa elevator at pumasok naman si Hunter. Hinintay kong sumara iyon bago ko iangat ang tingin ko kay Xavier.
"Para sa akin ba 'yan?" I asked him. Itinuro ko pa ang manggang hawak niya gamit ang nguso ko.
"No!" he denied.
Napatango-tango naman ako. Kunyari naniniwala ako, "Buti na lang pala binilhan ako ni Hunter, kung hindi edi mainggit ako diyan sa 'yo."
"Throw it away Selene," he commanded.
"Bakit kita susundin? Boyfriend ba kita?" I jeered at him.
"Ibibigay ko sayo ito. So, just fucking throw that away!" Gigil niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...