Chapter 4 | Anxious

626 85 88
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

"Ingat ka, girl."

Solana and Stella kissed my cheeks and wave their hands at me. Masyadong mahaba ang preparation ko para sa date namin ni Xavier ngayong araw. Medyo kinakabahan nga ako. Napakatagal kong namimili ng damit, thinking if I should wear a dress or not kaya tinulungan na ako ni Solana at Stella.

I ended up wearing my black button-front skirt paired with a white graphic tee and my white sneakers. Sinimplehan ko lang para kunyari hindi ko pinaghandaan.

Not a moment later, a black Porsche Panamera stopped in front of me. Bumaba ang bintana at nakita ko si Xavier. He's dashing with his plain white shirt plus brown khaki shorts and of course his under armour white shoes.

Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat, agad naman akong pumasok at inayos ang seatbelt. Inikot ko ang paningin ko sa loob ng sasakyan.

"You're rich!" bulalas ko.

"No, I'm not," he denied.

"Yes, you are. You look expensive. You have a luxurious car, branded clothes, and accessories."

"I'm not rich Selene, but my parents are," he said.

"Gano'n na rin iyon. Bakit hindi ka na lang sa Maynila nag-aral? Mas maraming opportunities doon kaysa dito sa probinsya."

"I want here," he simply said. "My mother grew up here and so are we. I cannot leave just like that. Plus, I have another reason to stay," he uttered before pulling the gearshift.

"What's your family business?" I asked him.

Hindi siya sumagot. Well, kahit hindi niya sagutin alam ko naman na. Anak siya ng may-ari sa Vistamonte Holdings. VH is one of the popular real estate developers in the country. They are mostly known for building affordable condominium units in the Metro. Sobrang yaman pala nila. I mean, we have business too pero hindi katulad noong kanila.

"Ilan kayong magkakapatid?" I asked him again.

"Apat. May dalawang anak na kasi si Daddy bago dumating si Mommy sa buhay niya. Where do you wanna eat?" he asked.

Pumunta kami sa isang fine-dining restaurant sa Cabanatuan. We talked about school and some stuff pero napapansin ko na paulit-ulit niyang iniiwasan na pag-usapan ang tungkol sa pamilya niya. 1PM nang inihatid niya ako sa terminal. Nag-offer pa siya na ihatid na ako sa Tarlac but I refused. Masyado na siyang gagabihin kapag ginawa niya pa iyon.

Reminiscing about the short moment we had a while ago made my heart leap. He's very calm and gentle. He's not arrogant, as a matter-of-fact parang ayaw niya pa ngang isipin na isa siyang Vistamonte. I don't know what's happening inside their household so I don't have the right to judge any of their family members pero curious kasi talaga ako sa pamilya niya, so I tried searching about them.

I found plenty of articles about the Vistamonte's. Sa mga images walang gaanong picture si Xavier at Ms. Xavina, ang kadalasang kasama ni Mr. Vistamonte ay ang dalawa niyang anak na lalaki. Apat nga silang magkakapatid, sina Xyrus Alejandro at Xander Romulo ay anak nito sa una niyang asawa na si Elena Guevara at sina Xavina Victoria at Xavier Lorenzo III ay anak niya kay Alicia Salvador.

Sumakit na ang mga mata ko sa pagbabasa ng mga impormasyon tungkol sa kanila kaya pinilit ko na lang ang sarili kong matulog. After almost three hours, nakarating din ako, bumaba ako sa Metro Town at doon na lang din nagpasundo.

"Selene!"

Nanlaki ang mga mata ko ng matanaw ko ang mga kapatid ko na naghihintay sa akin.

"Bakit hindi ko alam na uuwi kayo?" tanong ko matapos ibigay kay Aling Susan ang mga gamit na dala ko.

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon