─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───Several weeks have passed since the day we broke up. Wala na akong naging balita sa kanya. Well, siguro dahil hindi na rin naman ako nakikibalita.
Nandito ako ngayon sa Manila, kailangan ko kasing tulungan si Ate sa pagma-manage ng mga restaurant dahil umalis nga si Kuya. Naging maayos naman na kami sa bahay pero hindi ko pa rin mahanap ang dati. May mga tawanan na rin akong naririnig pero parang may kulang. Ayoko na lang isipin ang dahilan, ang mahalaga ay unti-unti na nilang naitatayo ang mga sarili nila mula sa pagkakasadlak na ginawa ni Kuya.
For the past few weeks, si Stella lang ang naging kausap ko. Lumayo na rin kasi sa akin si Solana dahil doon sa nangyari sa amin ni Xavier.
"Uuwi sila Mommy dito, doon sila sa condo ko sa BGC tutuloy. Lagi ka na lang nagmumukmok, bakit hindi mo subukang gumala?" Ate said while driving her car. Kagagaling lang kasi namin sa isang branch namin dahil nagkaproblema.
"Ayoko Ate, wala akong gana."
Bumuntong-hininga na lang siya at hinayaan na ako. Nagpatugtog na lang siya sa loob ng sasakyan para hindi naman daw kami ma-bored. Ipinikit ko ang mga mata ko para matulog. Pumailanlang ang tugtog sa buong sasakyan dahilan upang mai-mulat ko ang aking mga mata.
Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano pero nang makita ko siyang nakangisi ay na-realize kong sinasadya nga niya. Bakit ba kasi pambansang kanta ng mga broken hearted ang kantang ito? Sinamaan ko siya ng tingin pero hinayaan ko na lang din itong tumugtog.
Come up to meet you
Tell you I'm sorry
You don't know how lovely you are
I had to find you
Tell you I need you
Tell you I set you apartKuhang-kuha ng kanta ang nararamdaman ko ngayon. I want to say sorry for breaking his heart, for hurting him, for not fighting for him. I was the one who ended our relationship pero ako ang hindi makaahon.
Tell me your secrets
And ask me your questions
Oh let's go back to the start
Running in circles, coming up tails
Heads on a science apartI desperately want us to go back from the start where everything seems so perfect and strong. Iyong lagi lang kaming masaya. If only I have known that things between us will end so soon, I should've loved you better then.
Nobody said it was easy
It's such a shame for us to part
Nobody said it was easy
No one ever said it would be this hard
Oh take me back to the startBreak up, indeed, is not easy. It's tragic, chaotic and devastating. Ngayon ko na naiintindihan ang mga taong umiiyak pagkatapos ng break up. Dati akala ko OA lang sila pero na-realize ko, na siguro iyon lang ang paraan nila to cope up or to deal with the pain that slowly killing them.
Hinayaan ko na ang tugtog at pinilit na lang ang sarili kong makatulog. Nakarating kami sa bahay makalipas ang ilang minuto. Agad naman akong pumasok sa kwarto ko at muling isinubsob ang sarili. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito.
Marahang katok ang narinig ko pagkatapos ay ang pagpasok ni Ate Aira. Maayos na siya ngayon, hindi na katulad noong nakaraang linggo. Hindi na siya maputla at bumabalik na rin ang dati niyang kulay pero bakas pa rin ang sakit sa kanyang mga mata.
Naupo siya sa kama ko, naupo rin ako para magkaharap kami. Gusto kong magtanong tungkol sa ibang mga bagay-bagay.
"Sabi ni Sofia lagi ka raw nagmumukmok?" tanong niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti pa siya at inilihis ang mga nalalaglag kong buhok at inipit ang mga iyon sa likod ng tenga ko.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...