─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Tanghali na ng magising ako. Xavier was extremely insatiable last night. Maliwanag na ata ng matapos kami.
Conceive yata ang gusto hindi conserve.
Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto para hanapin siya. I found him sitting at the loveseat while sipping a cup of coffee.
He averted his gaze on me. Inilapag niya ang tasa sa coffee table at nilapitan ako pagkatapos ay pinatakan ako ng maiksing halik sa labi.
"Hi baby. Come let's eat our breakfast," he said.
Umangat naman ako sa kama at sumama sa kanya. He took my right hand and slip his fingers between mine. Napangiti ako, I wish he knew that his small gestures means so much to me.
Pagdating namin sa kusina ay may nakahanda ng pagkain, "Niluto mo?" I asked him.
Tumango siya bago ako ipaghila ng upuan. Magana akong kumain habang may ngiti sa labi. Ito ang pinangarap ko noon, ang matulog kasama siya at magisnan ang umaga na kasama ko pa rin siya.
PAGKATAPOS ng pagkain ay tinungo namin ang veranda at tinanaw ang langit.
"Do you have any plans for today?" he asked.
Nakapwesto siya sa likod ko at nakayakap ang mga braso niya sa bewang ko habang nakasandal naman ang baba niya sa balikat ko. Inisip ko kung may appointment ba ako or pinangakuan ng araw na 'to pero naisip kong wala, kaya umiling ako sa kanya bilang tugon.
"Great. Let's have a date then," he said.
Maligaya naman akong tumango sa kanya. Ewan ko ba, kahit saan niya siguro ako dalhin ay wala akong pakielam basta ang mahalaga ay kasama ko siya. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan 'to, kaya hanggang meron ay susulitin ko.
Mula sa likod ay naramdaman ko ang mga labi niya sa batok ko, "Xavier nga!" I warned him.
Kinakabahan na ako sa mga ganitong galaw niya. Mas naging agresibo siya ngayon kaysa noon. Kung dati ay siya ang nagpipigil, ngayon ay bumaliktad na ang lahat. Wala na ang pisi ng pagpipigil na humihila sa kanya.
"Xavier, isa!" I yelled.
I'm trying my best to stop him kahit na nanlalambot na ang mga tuhod ko dahil sa mga halik na ibinibigay niya. Tumawa siya at bahagyang inilayo ang sarili sa akin.
HAPON nang nagsimula kaming mag-ayos para sa dinner date raw namin. Bumili kami kanina sa boutique ng iilang damit para sa akin dahil nga sleepwear lang ang dinala ko rito.
I wore the beige satin dress we bought and paired it with my beige valentino heels, buti nga at naidala ko ito kahapon. I put some makeup on and tied my long hair in a high ponytail to emphasize my nape.
"Hey beautiful," Xavier said.
His eyes sparked with adoration and pride. Napakagwapo niya rin naman. Well, hindi naman na bago 'yon, kahit naman kagigising niya ay gwapo pa rin siya. Naka-white long sleeve siya na nakatupi hanggang siko na pinaresan ng itim na pantalon.
Iginiya niya ako patungo sa sasakyan at agad naman iyong pinaandar. Binaybay na namin ang daan patungo sa gusto niyang puntahan. Saglit kaming huminto dahil sa traffic. Rush hour na rin kasi at uwian na ng mga empleyado. Napakaraming taong nagkalat sa daan at nag-aabang ng masasakyan. Nabaling ang tingin ko kay Xavier dahil bigla niyang pinagsalikop ang kamay naming dalawa.
"This is mine to hold," he whispered.
Napangiti ako. I can't think of a smart comeback. Bakit ba habang tumatanda ako mas pumupurol ang utak ko, samantalang dati ako lagi ang bumabanat sa aming dalawa, tapos ngayon ako na ang natatameme?
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...