─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Tumagal kami ng ilang minuto sa ganoong posisyon bago niya ako yayain pauwi. Dahil may sasakyan ako, naisipan na lang namin na mag-convoy. Sabay kaming umakyat sa floor namin, maayos na nagpaalam sa isa't isa bago tuluyang naghiwalay.
Hindi ko alam kung bakit natuwa ako sa nangyari. Hindi ko kasi lubos maisip na may epekto pa rin ako sa kanya. Pakiramdam ko mas lalong tumaas ang confidence level ko.
Isinuksok ko ang key card para makapasok sa unit pero nabigla ako ng makita sina Hunter, Stella at Damon sa loob at mukhang nagkakatuwaan.
"Akala ko ba two questions lang per appointment? Bakit ginagabi ng uwi," pang-aasar ni Damon na agad namang ginatungan ni Stella.
"Baka kasi hindi tanungan ang nangyari," naghagalpakan silang dalawa. Kung minsan talaga bagay silang magkasamang dahil parehas silang may tama sa utak.
Tahimik naman si Hunter sa gilid at malalim ang iniisip. Hindi naman na namin siya inistorbo pero pinapakiramdaman namin siya. Hindi ako sanay na ganito si Hunter. Simula noong magkakilala kasi kami sobrang jolly na siya pero sa nakikita ko ngayon, parang nawawala na ang Hunter na 'yon.
"Hunt, tara inom." Stella said.
"Hindi. Pupunta ako sa kanila," wala sa sariling sambit nito.
Nagulat na lang kami ng bigla itong tumayo at nagmamadaling umalis. Sinundan namin siya ng tingin at sabay-sabay kaming napabuntong hininga. Ilang oras lang ay nagpaalam na ring umuwi si Stella. Hinatid naman siya ni Damon hanggang sa lobby.
Naupo ako sa sala habang nagi-scroll sa IG. Hindi naman kasi talaga ako mahilig sa social media pero kapag si Xavier ang dahilan ay bigla akong sinisipag.
May IG story siya, agad ko iyong pinindot, kahapon pa iyon pinost. Video ng isang aso kasama ang kambal na batang lagi niyang kasama. Bigla ko tuloy naalala ang asong binigay niya sa akin noon. Hindi ko na nabalikan si Silver sa bahay nila, hindi ko na rin alam kung anong nangyari sa kanya. Tatanungin ko na lang si Xavier sa susunod.
WALA akong lakad ngayon hanggang bukas kaya naisip kong ayain si Stella para mag-bar mamaya. Gusto ko lang mag-unwind ngayon.
FROM: Stella Rose de Lara
G. Isama mo si Damon ha.Agad nangunot ang noo ko dahil sa nabasa ko. Close na close na nga yata sila. Well, kung si Damon ang magiging dahilan para makalimutan niya ang ex niya, eh 'di maganda.
"Dame, bar tayo later nila Stella. Tapos ka naman na sa mga plates mo diba?" tanong ko habang nagluluto siya sa kusina.
Napakasipag talaga ng boarder ko na 'to. Simula noong pumunta siya dito ay hindi na halos ako kumikilos dito sa bahay. Para ko na tuloy siyang yaya.
Maligaya siyang tumango sa akin. Syempre bet na bet niya yan! Inirapan ko lang siya at kumuha sa pancakes na iniluto niya.
"Grocery tayo," sabi niya habang ngumunguya ako. Inikot ko ang paningin ko sa kusina.
"Ang dami ko pang stock," sagot ko.
"Kulang... may iluluto akong iba," sabi niya habang pinupunasan ng tissue ang bibig ko. So sweet!
"Ano? Belgian Cuisine?" I asked.
Ngumisi siya sa akin at nagtaas-baba ang kilay. Well, namimiss ko rin namang kumain ng mga Belgian Food kaya pumayag ako.
Namili kami ng kung ano-ano bago napagdesisyunang umuwi na. Nasa lobby kami habang bitbit niya ang mga pinamili namin ng makasalubong ko si Xavier at si Solana, matalim ang mga tingin sa akin ni Xavier habang kay Solana naman ay walang mababanaag na emosyon.

BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...