Chapter 34 | Punto de Vista

457 75 18
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

Nagising ako sa kulay puting kwarto. Inikot ko ang paningin ko at nakita si Xavier na nakayuko sa gilid ng kama ko. Hinaplos ko ang buhok niya sanhi para umangat ang tingin niya sa akin.

"Hey, anong kailangan mo? You need water? Are you hungry?" taranta niyang tanong. Uupo sana ako pero bigla niya akong pinigilan.

"Huwag ka munang galaw ng galaw," he said.

Huh?

"What's wrong with you?" I asked him.

Ang weird niya kasi, gusto ko siyang makausap tungkol sa nangyari kanina pero hindi ako makapagsimula.

Ngumiti siya sa akin. Iyong ngiting puro at walang pait. Ipinatong niya pa ang kaliwang kamay niya sa puson ko. Medyo napaiktad pa nga ako dahil akala ko sa ano niya ako hahawakan.

"What?" I scowled at him. His smile creeps me out.

Lalong lumapad ang ngiti niya ng makita ang reaksyon ko.

"I am extremely happy, Selene."

Halata naman. He's smiling from ear to ear. "Hindi ka na makakawala sa akin ngayon," his smile grew wider.

"Hindi naman na talaga, ikaw lang ang pakipot," sabi ko bago nag-iwas ng tingin.

Hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa kanya. Seryoso na ang kanyang mukha at wala na ang bahid ng ngiti doon. Bipolar ba 'to?

"If I ask you to marry me, will you say yes?" he asked.

"Huh? Syempre oo. Pero sabihin mo muna kung anong nangyayari?" balik kong tanong.

"Baby, you have another life growing inside of you," he simply said. Prinoseso muna ng utak ko ang narinig ko.

I have another life growing inside of me? Eh ano naman?

"Naiintindihan mo ba ako?" he asked.

You have another life growing inside of you.

You have another life growing inside of you.

You have another life growing inside of you.

Ilang segundo muna siguro bago nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Agad akong napahawak sa bandang puson ko. Is this fucking real? Kasabay ng paghaplos ko doon ay ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa mga labi ko. Umangat ang tingin ko kay Xavier. He pressed his lips against mine, it was fierce yet genuine and tender.

Inilayo niya ang mukha niya sa akin at marahang hinawakan ang kamay ko. "Let's get married," he said.

"Xavier, kung ginagawa mo 'to para—"

He cut me off by putting his index finger on my lips, "Hindi ko ito ginagawa para sa kahit kanino. With or without the baby, papakasalan pa rin kita."

"Weh? Parang kahapon nga lang hindi mo ko pinapansin," I sneered.

Tiningnan niya ako gamit ang malamlam at banayad niyang tingin, "Sorry kung naging mailap ako nitong mga nakaraang araw. Galit ako at ayokong kausapin ka sa ganoong estado ng emosyon ko. Sorry, baby. Sorry."

"Naiintindihan ko naman 'yon. Kasalanan ko rin naman kung bakit naging gano'n ang pakikitungo mo sa akin. Ako dapat ang humingi ng tawad para sa lahat ng ginawa ko sayo. Thank you for not giving up on me. Sorry for being immature. Sorry for not being mindful enough to distinguish the difference between the truth and the lies.Sorry if I didn't put enough faith in you. I apologize for my reservations and ambiguities. But despite all of my flaws and quirks, I know in my heart that I love you so much," there I said it!

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon