─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Ilang linggo ang mabilis na lumipas, matapos ang araw na iyon. Naging maluwag ang mga nakaraang linggo para sa amin dahil na rin siguro sa papalapit na Intramurals ng University.
"Ang sakit ng ulo ko," reklamo ni Stella at ibinagsak ang sarili sa higaan.
"Kaka-wattpad mo 'yan," pang-aasar ni Solana sa kanya.
"Hoy! Hindi kaya sumasakit ang ulo ko sa wattpad, sumasaya pa nga ang puso ko."
"Alam mo hindi ka talaga magkakaboyfriend dahil sa kakaganyan mo," sabi ko sa kanya.
"At bakit?" mataray niyang sagot.
"Ang taas-taas ng standards mo," sambit ko.
Hindi naman na ito sumagot kaya napailing-iling na lang kami ni Solana. Minsan makikita na lang namin siya na nakangiti habang nagse-cellphone, akala namin may boyfriend, iyon pala kinikilig sa scene na binabasa niya. Hinayaan na lang namin siya ni Solana na gumagawa na naman ng kung anu-ano. Nagta-tally yata ng survey? Ganyan ba talaga kapag Psychology? Kung 'di ko lang alam ang course niya iisipin kong may kinalaman sa math 'yon.
Nagbasa na lang ako ng short story ni Edgar Allan Poe. Naiinip kasi ako, medyo naintriga naman ako sa story na binabasa ko, The Cask of Amontillado ang title. Na-hook ako sa pagbabasa at hindi ko na namalayan ang oras.
"Selene, kain na tayo."
Inaya na kami ni Solana na kumain sa food court na agad naman naming pinaunlakan. Pagkatapos kumain ay nagliwaliw muna kami sa loob ng campus, half day lang kasi kami ngayon kaya may oras kami para umikot dito sa loob ng University.
Nakatambay kami sa grandstand ng mamataan ko si Xavier na naglalakad patungo sa kinaroroonan namin. Luckily, walang pakalat-kalat na estudyante dahil na rin siguro kasagsagan ng mga klase ang oras na ito.
Umupo siya sa tabi ko, "Wala kang klase?"
Umiling lang siya at biglang isinandal ang ulo sa balikat ko. Mukha siyang pagod kaya hinayaan ko na lang muna.
"Hindi ba sinabi ko sayo huwag kang masyadong magpapakapagod?"
Madami na kasi siyang ginagawang paper works tapos sumasabay pa ang extracurricular activity niya tulad ng archery. Player kasi siya ng CBAA sa Archery para sa intrams kaya puspusan din ang training nila.
Hindi siya nagsalita sa halip ay pinagsalikop niya ang mga kamay naming dalawa, "Paano mo nalamang narito ako?" tanong ko.
"Sinabi ni Solana," matipid niyang sagot. Tumingin ako sa dalawa at napansin kong dumistansya sila sa amin at tahimik na nag-uusap.
"How are you?" he asked.
Ako nga dapat ang nagtatanong niyan. These past few weeks kasi ay lagi siyang abala. Sandali ko na lang siyang makakatext o kaya makakausap sa tawag tapos wala na, minsan bigla na lang siyang hindi magsasalita o kaya naman ay hindi magre-reply. 'Yon pala ay nakatulog na siya.
"I'm fine. Ikaw dapat ang tinatanong ko. Lagi kang pagod," nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Sorry. Babawi ako sayo," matamlay niyang sambit. Lalo siyang nagsumiksik sa akin. Umayos ako ng upo at pinahiga siya sa hita ko.
Duda akong hindi lamang mga school requirements ang pinoproblema niya. Hindi na ko nagde-demand ng oras dahil alam kong kailangan niyang mag-focus ngayon sa kung anuman ang pinagkakaabalahan niya at ang tanging maitutulong ko na lang siguro ay ang intindihin siya.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
Roman d'amourIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...