Chapter 23 | Mali

400 79 8
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

1 PM

Iyon ang nakalagay sa e-mail na sinend sa akin ni Hazel. Medyo groggy pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip ng kung anu-ano. My mind was creating scenarios combined with some conflicting thoughts which makes me restless even more.

Sumakay na ako ng sasakyan para hindi ako ma-late. I'm nervous but I need to be professional here so I am trying to regain my composure. I wore my office suit and pumps while my long curly hair was tied up in a high ponytail.

Sinigurado kong dala-dala ko pa rin ang confidence ko para mamaya kahit ang totoo ay kabang-kaba ako. I can even hear the sound of my heart throbbing against the cage of my chest.

Not a moment later, I arrived at the Vistamonte Holdings. Sumakay ako ng elevator pataas patungo sa opisina ni Xavier.

"Hi Miss Selene," malapad ang ngiti ng babaeng sumalubong sa akin.

"You must be his secretary."

"No ma'am. Substitute lang po. May emergency po kasi si Miss Lana. She asked me to assist you since Mr. Vistamonte is still with the board members."

Binuksan niya ang pinto at tumambad sa akin ang napakalawak na opisina.

"Upo po muna kayo. What do you want for a drink, Miss?"

"Water will be fine."

Sinuyod ng paningin ko ang buong opisina ni Xavier. Minimal lang ang mga decoration doon. Bumalik agad iyong babae pagkatapos ay inabot sa akin ang tubig. I mouthed my gratitude, nag-thumbs up naman siya bago tuluyang umalis.

Tumayo ako para tingnan ang mesa niya. May picture doon na naka-frame, si Xavier iyon kasama ang batang babae na bitbit niya kahapon at may kasama rin itong isa pang bata na kamukhang-kamukha rin nito, they must be twins. Sino kaya talaga iyon? Baka anak ni Xavina? Alam niya na kaya ang totoo?

"Miss Lopez?"

Nanginig muli ang tuhod ko nang marinig ang baritonong boses niya. Dahan-dahan akong lumingon at sinalubong ang nang-uuyam niyang tingin. He's dashing with his three-piece suit. He looks more manly and handsome now at hindi na ako magtataka kung bakit mas marami ang maghahabol sa kanya ngayon.

"Mister Vistamonte, good afternoon," I greeted him. "I'm Selene Francheska Lopez of Cornelius Publishing and I'm very pleased to meet you."

Inabot ko ang kamay ko para makipag-shake hands sa kanya. Ngumiti din ako kahit pakiramdam ko parang constipated ang ngiting iyon.

He shook my hand before making his way to his office desk, "Let's start, I don't have much time for this interview," he said before he pulled his swivel chair and sat there.

Umayos ako ng upo at humarap sa kanya, "Mr. Vistamonte, you were called as the youngest billionaire in Asia and one of the most-sought after bachelor in the world. By the things you have at the moment, do you consider yourself as a successful person?" I asked.

Kinuha ko agad ang tubig at ininom iyon dahil pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway.

"What do you mean by the things I have at the moment?" Kunot-noong tanong niya.

"Your monetary riches, the fame or perhaps some of your achievements?" I said.

Tumango-tango siya at tila nag-iisip, "If being successful is defined by the things you have mentioned, then I can consider myself as one. But as for myself, success is about completing my goals. I've already fulfilled some, but there are still many boxes that are needed to be filled. I am still yearning for something and that... I guess, the reason why I can't consider myself as a successful one," he answered.

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon