Chapter 15 | Tanong

456 76 35
                                    


─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───

[R-18]

ILANG araw bago ang muling pagbubukas ng klase ay naisipan naming magbakasyon, kasama sina Stella, Solana at Hunter, para na rin ito sa nalalapit na kaarawan ni Xavier. Saktong araw kasi ng pasukan ang birthday niya. Duda rin kami kung may pagkakataon pa kaming magcelebrate kaya habang bakasyon pa ay sasamantalahin na namin ang pagkakataon para ipagdiwang iyon.

Sa Metro lang din kami pumunta, hindi na kasi ako papayagan kapag mas malayo pa. Hunter fetched Solana at Nueva Ecija, si Stella naman ay saktong nasa Metro na kaya hindi na kami nahirapan pa.

Nag-check in kami sa isang Villa, may tatlong rooms ang naroon. Sa isang kwarto ay sama-sama kaming tatlo samantalang tig-isa naman ng kwarto sina Hunter at Xavier.

SALO-SALO kaming kumakain sa restaurant. Masasarap ang mga pagkain nila, agad pa nga akong napapalakpak matapos ilapag sa harap namin ang mga seafoods. Ang kaso nga lang hindi ako marunong magbalat ng gano'n.

Sabay na tumingin si Stella at Hunter sa akin. Ngumiti ako sa kanila, inirapan lang naman ako ni Stella samantalang napailing-iling naman si Hunter. Nag-crack sila ng ilang shells at ibinigay sa akin. Alam kasi nilang bobo ako sa pag-gaganito. Napansin siguro ni Xavier ang nangyayari dahil nagpalipat-lipat ang tingin niya mula sa akin hanggang sa dalawang sponsor ko ng seafoods.

"Ahm. Stella and Hunter, ako na lang ang bahala sa kanya. Salamat," usal nito.

Napapalakpak naman si Stella, "Hulog ka ng langit Xavier. Pasensya ka na, inutil talaga si Selene pagdating diyan," sabi pa nito at nagsariling balat na ng para sa kanya. Tinambakan naman agad ni Xavier ang plato ko ng makakain kaya naman tuwang-tuwa ako.

Nagpahinga lang kami sa Villa buong maghapon dahil sa pagod. Minsan nagmo-movie marathon, food trip o kaya naman ay matutulog kami.

Kagaya ngayon, naghahanda na naman kami sa pagtulog kaya inaayos namin ang hihigaan naming tatlo. Pero napupukaw ni Stella ang tingin ko dahil tila hirap na hirap siyang gumalaw, "Bakit ba ganyan ka?" iritado kong tanong sa kanya. Ako kasi ang nahihirapan sa hitsura niya. Para siyang hirap na hirap na ewan.

"Wala nga kasi. Matulog ka na," sabi niya bago umayos ng higa at natulog. Hindi ako kumbinsido sa excuse niya pero mukhang pagod siya kaya hinayaan ko na lang.

Gabi na ng magising kami. Nagpunta ulit kami sa Restaurant for dinner. Pagkatapos ay lumabas kami para makigulo sa kasiyahan. May live band sa harap ng shore na nagsasanhi ng musikang nagbibigay ng ingay sa buong lugar.

"Tara doon!" naghilahan sila Stella at nakigulo sa dagat ng tao na naghihiyawan. Kilala ata ang banda kaya gano'n.

"Happy Birthday," bati ko kay Xavier.

"Thank you," he said. Nakaharap kaming dalawa sa dagat. Nasa ibabaw nito ang bilog na buwan.

"Anong gusto mong regalo?" tanong ko, hindi ko maialis ang tingin ko sa maliwanag na buwan.

Sabi ni Mommy, pinangalanan niya daw akong Selene kasi paborito niya ang buwan. Ayon daw kasi sa Greek Mythology, Selene ang pangalan ng diyosa ng buwan.

Ang Mommy ko talaga, nasa tiyan pa lang ako pero alam niya ng magiging isa akong diyosa.

"Nandito ka na, ano pang mahihiling ko."

Napangiti ako dahil sa pag-atake ng kilig sa sistema ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakatanaw din siya sa buwan.

"You like the moon, aren't you?"

Taming The Vengeful WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon