─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
"Isa lang kasi. Kaarte mo!"
Nayayamot pa rin ako. Inirapan ko siya. Bumaling siya sa akin, kinabahan tuloy ako, unti-unting bumaba ang mukha niya sa akin hanggang sa naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang malambot na labi sa aking kanang kamay.
"You can leave now. Go, hangga't napipigilan ko pa ang sarili ko," he said while gritting his teeth.
"Ano ba kasing pinipigilan mo?" Naguguluhang sabi ko. Kumuyom ang mga kamao niya.
"Leave now baby, please." Malamlam na mga mata ang ipinukol niya sa akin. Naawa naman ako kaya lumabas na ako. Kinatok ko pa ang bintana niya. Bumukas naman iyon. Nakaawang ang mga labi niya at sunod-sunod ang mga buntong hininga.
"May sasabihin ako."
Hindi siya makatingin sa akin. Hinawakan ko ang panga niya. Ramdam ko tuloy ang pagtatagis ng bagang niya dahil sa ginawa ko. Ano ba kasing problema nito? Nangunot ang noo ko, nalilito ako sa mga ipinapakita niya.
"You're too innocent, baby. Please, don't make it hard for me." Halos bulong na lang ang lumalabas sa bibig niya.
Mabilis ko siyang kinabig at hinalikan sa labi. Mabilis lang naman 'yon. Nakita kong namula ang mukha niya at pinaandar na ang sasakyan paalis. Hindi man lang nagpaalam.
Pumasok na ko sa gate ng Boarding House at nakita ko iyong dalawa na nakaabang.
"Hoy babae! Anong oras na? Uwi pa ba 'yan ng matinong babae ha?!"
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at bineso si Solana at si Stella na talak ng talak.
"Stella, shut up! Bakit ka ba ginabi Selene?" Solana asked.
"Magkasama kaming kumain ni Xavier," sabi ko, nagimbal naman ako ng hampasin ni Stella ang lamesa namin.
"What? Saan kayo nagkainan," hysterical niyang tanong. Napahawak ako sa sentido ko habang si Solana naman ay tatawa-tawang nakatingin kay Stella.
"Iste! Hindi kami nagkainan. Kumain lang kami ng mami," Sabi ko at ipinakita sa kanila ang tinake-out kong mami.
Nagkumahog naman silang ipainit iyon at saka kinain. 'Yon na ngang mami ang naging hapunan namin. Tapos kinagabihan naman ay naging abala kami kasi pare-pareho kaming may quiz bukas.
"Hinatid ka ba ni Xavier?" Stella asked. Nakaupo kaming tatlo habang nakakalat ang papel namin sa mesa.
"Oo, naaasar nga ako eh," yamot kong sabi.
"Bakit?" tanong ni Solana habang nagsusulat sa papel niya.
"Eh paano nanghihingi lang naman ako ng kiss tapos kung ano-ano ng nagiging expression niya ― tiim-bagang, kukuyom ang kamao tapos sasabihin sa akin na lumabas na raw ako habang nagpipigil pa siya. Hindi ko nga alam kung anong pinipigilan niya tapos noong nakababa na ako hinalikan ko siya ng super sandali tapos namula siya tapos..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nakita kong nakanganga lang sila at ng makahuma ay binatukan ako ni Stella.
"Boba! Akala ko matalino ka. Simpleng gesture di mo mabasa. Tanga nito, magaling lang mag-analyze ng libro pero kilos ng tao, hindi."
Nalilito ako? Bakit ba ako? Bakit parang kasalanan ko?
"Solana explain mo nga dito kung ano ang meron si behavior ni Xavier kanina. Shit talaga, ang bobo! Sumasakit ulo ko."
Umalis si Stella at nanguha ng tubig. Ako naman nakanganga lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...