─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
6 years later
Louvain-La-Nueve, Brussels, BelgiumIt was a fine yet chilly day in Brussels. The fairly pleasant days of Summer was now replaced by the chills and serenity of the Autumn. The leaves of the trees have their first autumnal blush and the countryside was painted by the picturesque view of warmth and vibrant hues.
"Bonne journée, mademoiselle" Have a nice day, miss. I smiled at the old woman who greeted me while I'm walking down the street.
"Comme vous, madame." Same to you, madame. I greeted back.
Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa matagpuan ko ang sarili kong nakatanaw sa kawalan.
Ilang taon na rin ang nakalipas pagkatapos ng araw na 'yon. Sinubukan ko naman na kalimutan na lamang siya at magpatuloy na lang sa buhay ko pero hindi ko magawa, dahil lahat na lang ng bagay na makikita ko ay nagpapa-alala sa kanya.
Hindi rin naging madali ang buhay ko dito sa Belgium. Ilang beses ko ring pinagdudahan ang sarili ko, iniisip ko kung nararapat ba akong maging isang manunulat o hindi. May mga pagkakataon na gusto ko na lang isuko at mag-iba na lamang ng propesyon pero hindi ko magawa, paulit-ulit pa rin ako nitong hinihila pabalik. Naalala ko pa ang sinabi ni Ate Aira sa akin noon...
"Selene, if you have a dream... chase it, aim for it and never let anyone, even yourself break your spirit," she tried to uplift me but I shook my head, nawawalan na talaga ako ng pag-asa.
"You're doubting yourself and your own capability kaya ka nagkakaganyan. Believe in yourself, Selene. Paanong may maniniwala sa mga gawa mo kung ikaw mismo ay hindi mo magawa ang bagay na iyon para sa sarili mo. Hindi lahat ng tao natutupad o nakukuha ang pangarap nila, iyong iba napipilitang magpalit ng propesyon dahil sa iba't ibang dahilan, pero ikaw? Nandito ka, you have all the means to continue your dreams, so bakit ka titigil?" she paused a bit, hinawakan niya ang kamay ko at tinitigan ako ng mata sa mata.
"I believe in you, I know you can do it," she said with a hint of encouragement.
Noong araw na 'yon, nagbago ang pananaw ko. Mas tumibay ang paniniwala ko sa sarili ko at ipinagpatuloy ko ang pangarap ko. Nagkamali na ako noon ng pinili kong bitawan ang lalaking pinakamamahal ko, pangarap na lang ang mayroon ako kaya kahit na anong mangyari ay hindi ko na ito bibitawan pa.
"Joyeuse fête d'automne, chérie." Happy Autumn Day, Sweetheart. Nabaling ang tingin ko sa nagsalita.
"Masaya nga sana kung hindi kita nakita," sabi ko sabay irap.
"Aba, matapang ka na ngayon. Anong gusto mo? Halikan na lang," sabi niya habang umaamba pa, inirapan ko naman siya at sinuntok sa braso.
"Napakasama ng ugali mo. Mapanakit ka! Aayain pa naman sana kitang mamasyal ngayon," he said.
Napalingon ako sa kanya dahil nagugustuhan ko ang isinasaad niyang ideya.
"Pero dahil hindi mo ako tinrato ng tama, hindi na kita aayain," dagdag niya. Inirapan ko ulit siya at akmang aalis na pero pinigilan niya ako at inakbayan, "Hindi ka ba pwedeng biruin? Asar-talo! Magbihis ka na. Tara sa Bruges," he said.
"Anong gagawin natin sa Bruges?" Kunot-noong tanong ko.
"Kakain ng waffles."
"Tanga! Bakit lalayo ka pa. Available naman dito 'yon?"
"Eh hindi pasyal kapag dito lang. Dapat dadayo tayo," depensa niya.
Kapit-bahay namin si Damon Laurent Sanchez, siya ang unang kaibigan ko noong bagong salta pa lang kami dito. Half-Filipino kasi siya kaya matatas managalog. Arkitekto siya dito at kaedad ko lang kaya madali ko siyang nakagaanan ng loob.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...