─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
"Uuwi ka?" tanong ni Stella.
Nakita niya kasi akong nag-eempake ng mga damit. Nakausap ko na rin siya noong isang araw at tinanong ko kung uuwi siya sa Tarlac pero hindi raw dahil sasama siya kay Solana at doon siya uuwi sa kanila. Pinayuhan ko naman silang mag-ingat. Gusto ko rin silang makasama pero nauna na ang lakad namin ni Xavier kaya kahit gustuhin ko man ay hindi maaari.
Wala na rin akong planong umuwi sa Tarlac. Nagpaalam na kasi si Xavier kanila Daddy na pupunta kami sa Metro para sa weekend. Pahirapan na mapapapayag si Daddy pero dahil sa tulong ni Mommy ay wala siyang magawa. Lagi nga lang ang paalala niya tungkol sa tiwala nila ni Mommy.
Sinabi ko kay Stella ang tungkol sa pagpunta namin sa Metro. At as usual, may side comment na naman siya.
Three AM ng magtext si Xavier na nasa labas na siya ng Boarding House. Dali-dali naman akong lumabas bitbit ang backpack ko na may lamang damit at mga essentials.
I wore my white slim pants paired with my black button-up sweater and my white converse while he was wearing his slim-fit jeans and merino pullover paired with his gray sneakers.
Sumakay na ako sa front seat at sinigurado niya munang maayos ang seatbelt ko bago tuluyang paandarin ang sasakyan.
"Matulog ka muna," he said.
Tumango naman ako pero bago iyon ay tinext ko sila Daddy na nasa biyahe na ko kasama si Xavier. Wala pang ilang segundo ay bigla siyang tumawag.
"Daddy?" malambing kong sagot.
Kailangan talaga maging mabait ako dahil pinayagan nila akong magbakasyon kasama si Xavier.
"Nakausap ko na ang Ate Sofia mo, sa kanila ka tutuloy pagdating niyo ni Xavier sa Maynila," mabilis niyang saad.
Agad namang nanlaki ang mata ko. "Pero Daddy―" Hindi ko na rin natapos ang sasabihin ko dahil katakot-takot na sermon na naman ang inabot ko.
"Pinayagan na kita Selene ha! Huwag mo kong pine-pero Daddy diyan," sermon niya.
Napanguso na lang ako. Akala ko pa naman... "Gusto kong makausap si Xavier," utos niya.
Tumingin ako kay Xavier at kitang-kita ko ang pagngisi niya tila ba nasisiyahan siya na makita akong nagkakaganito.
"I can hear you sir, 'wag po kayong mag-alala ihahatid ko po siya doon," sabi pa nito.
Lalo tuloy akong napasimangot. Nasa BGC ang condo ni Xavier, malapit lang naman doon ang bahay ni Ate Sofia pero kasi... akala ko...
"Thank you, Xavier. Mag-ingat kayo. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho. Papatayin kita kapag napahamak ang bunso ko," pagbabanta ni Daddy.
"Opo sir, iingatan ko po," magalang na sabi niya. May iba pang bilin si Daddy sa akin bago tuluyang ibinaba ang tawag.
Tiningnan ko si Xavier ng masama. Tatawa-tawa naman siyang lumingon sa akin pagkatapos ay bumaling din sa kalsada.
"Why?" he asked innocently.
Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin. May kutob akong napag-usapan na nila ni Daddy ang tungkol sa pakikitira ko kay Ate Sofia. Kainis! Bakit ba kasi may bahay pa kami sa Metro?
Itinulog ko na lang ang naudlot kong pangarap. Nagising ako ng huminto ang sasakyan at nakita ang paglabas ni Xavier. Nag-stop over siya, mataas na rin ang sikat ng araw. Bumalik siya na may mga dala-dalang pagkain.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...