─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚. ───
"Sorry about that," Xavier said.
Nasa kwarto niya kami ngayon. Hindi ko narinig ang paliwanag ni Miss Xavina sa mga tanong ng bata dahil hinila niya na ako sa kwarto niya. Sa ibang pagkakataon siguro ay makakaisip ako ng kapilyahan pero sa ngayon ay tila may mabigat na nakadagan sa puso ko.
"Sino iyong bata?" I asked.
Bumuntong-hininga siya bago umupo sa kama at tingnan ako ng mata sa mata.
"Anak siya ni Ate. I don't know the whole story, baby, but I'm sure he's my Ate's child. He's one of the reasons why I wanted to become a lawyer. Ate was deprived of her rights. Dad got custody and all the rights with Xavian. Siya ang magde-decide kung kailan pwedeng makita ni Ate ang bata and believe me or not, she only had a chance to be with him thrice a year and it pains me dahil wala akong magawa. Wala pa akong magawa."
Napasabunot pa siya sa buhok niya. Dama ko ang pagkasiphayo niya at naiintindihan ko kung bakit pinipigilan niya ang sarili niya na masaktan ang tatay niya pero sa ginagawa nito ngayon, that monster deserve a kick on his face.
I hugged him; I want him to know that I am here for him. Ilang minuto ay umayos na kaming dalawa. Hindi ko na alam ang nangyayari sa labas pero hindi ko na rin naman gustong alamin.
"Watch," he simply said before giving me the remote control.
"May 365 dni ba dito?" Inosente kong tanong. Joke, hindi inosente 'yon dahil hindi naman ako gano'n.
"A w-what?" utal niyang tanong.
"Iyong may 'Are you lost baby, girl?' gano'n. Si Massimo saka si Laura," sabi ko.
Nakita ko kasing trending 'yon sa facebook. "O kaya fifty shades na lang," dagdag ko pa pero siya na mismo ang pumindot sa remote para maghanap ng panunuorin.
Napadpad ang tingin ko sa mismong TV at hindi ko mapigilan ang mapabulanghit ng tawa nang makita kung ano ang mga iyon. Frozen? Baby Genius? The Incredibles? Charlie and the Chocolate Factory?
"Xavier! Ayoko nito! Ano ang tingin mo sa akin bata?"
Ilang ulit ko na ngang napanuod 'tong mga ito dahil kay Steffi.
"You can watch anything you want but 365 dni and Fifty shades are not allowed," he said.
Nag-isip tuloy ako ng ibang pwedeng panoorin, "Sige, iba na lang," sabi ko at umaktong nag-iisip, "What about friends with benefits o kaya After?"
Puro Rated X ang mga sinasabi ko, nakakatuwa kasi ang reaction niya.
"Selene!" bakas na ang frustration sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.
"Eh 'di maghalikan na lang tayo! Halika na bilis," sabi ko.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hahawakan ko na sana ang mukha niya pero hindi ko iyon nagawa dahil bigla siyang umatras.
"Jesus, Selene!" asik niya.
Namumula pa ang mukha niya at lumalabas na ang litid ng leeg niya. Gusto kong matawa dahil sa reaksyon niya pero pinipigil ko.
Hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako palabas, "Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko.
Akmang pipihitin niya na ang doorknob pero napatigil siya at nilingon ako. "Starting today, we are not allowed to be in a private place alone!" asik niya at muli akong hinila palabas.
"Bakit nga? Eh 'di wala ng privacy kapag may kasama tayo sa kwarto mo," pigil tawa kong sabi. Takot na takot kasi siyang magkaroon kami ng solo moment.

BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
Roman d'amourIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...