─── ・ 。゚☆: *.☽ .* :☆゚.───
Sinimulan kong ayusin ang mga ikinalat ko raw. Hindi naman na ako nag-reklamo dahil alam ko naman na ganito talaga ako kapag nalalasing.
Winalis ko ang mga bubog ng baso na nabasag ko at inipon ang kung anu-anong papel na nahulog.
"Xavier, nasaan ang trashbin mo?"
Pumasok ako sa kusina para tanungin iyon. Itinuro niya naman ang trashbin sa gilid, yumuko ako para ayusin ang garbage bag pero napatigil ako ng bigla siyang tumikhim.
Liningon ko siya pero nag-iwas lang siya ng tingin. Pagkakuha ko ng trashbin ay dumiretso na ako sa sala upang hakutin ang inipon kong kalat. Pagkatapos naman ay pumunta na ako kwarto niya. Kinuha ko ang laundry basket niya. Iuuwi ko na lang sa unit ko at doon na lang lalabhan.
"Let's eat breakfast first."
Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakasandig sa hamba ng pintuan.
Lumakad ako palapit. Akala ko ay aalis na siya papuntang kusina pero hinintay niya akong makarating sa pinto at saka kinabig sa bewang. Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. Napuno ng kung anu-ano ang isip ko pero lahat ay naglaho dahil may tinanggal lang pala siyang kung ano sa buhok ko.
"Let's go, Miss Lopez."
Hinila niya ako papuntang kusina. Kuminang ang mata ng makita ang fried rice and fried chicken doon. Favorite ko iyon kaya nanubig agad ang bagang ko at parang gusto ko na agad kumain. Inabutan niya ako ng plato at kutsara. Iniabot niya rin sa akin ang kanin at ulam. Napaka-sweet naman! Akala mo hindi ako inapi-api kahapon.
Nakakailang subo na ako ng sumagi sa isip ko ang interview. Wala yatang schedule na appointment ngayon pero baka pwede niyang sagutin ang mga tanong ko. Ang kaso nga lang, wala akong recorder, phone or even paper and pencil na maaaring makatulong sa akin.
"What?"
Napansin niya siguro ang titig ko. Hesitant akong magtanong baka kasi barahin niya na naman ako kaso bahala na.
"Are you married?" I asked him.
Huminto siya sa pagnguya at marahang tumitig sa akin, "Is this a part of an interview or your personal question? Hmm?" he said huskily.
Bakit parang lalo siyang naging gwapo sa paningin ko?
"Interview po," sabi ko at kumuha ng pagkain para makaiwas sa tingin niya.
"I am not yet married, Miss Lopez," he said before chewing his food.
"But why?" Interasado kong tanong.
"Ang tagal mo kasing bumalik," he whispered.
"Ha?" Lito kong tanong.
Narinig ko naman pero hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko o ano. Ayoko naman kasing mag-assume.
"Wala, sabi ko ang bagal mong kumain. Bilisan mo para makauwi ka na," sabi niya.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. Ang bilis ko ngang kumain dahil favorite ko 'to. Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. Tatanungin ko na lang siya sa ibang pagkakataon.
Pagkatapos kong kumain ay nagpresinta pa ako na maghugas ng pinggan pero sinabi niyang umuwi na lang daw ako ngunit bago niya ako pinalabas ay inabutan niya muna ako ng boxer shorts. Noon ko lang naalala na nakapanty nga lang pala ako sa ilalim ng t-shirt niya.
Isinadlak ko ang sarili ko sa sofa pagkarating ko sa unit ko. Dinala ko na rin dito iyong sheets niya na nasukahan ko pati na rin ang mga pinahiram niyang damit sa akin upang malabhan. Pakiramdam ko sobrang pagod ako ngayong araw. Nahihilo pa rin kasi ako dahil sa tama ng alak at pagod.
BINABASA MO ANG
Taming The Vengeful Waves
RomanceIn a dance as eternal as the sea's gentle ebb and flow, Selene and Xavier unearthed a love that felt unbreakable, much like the boundless connection between the moon and the tides. However, the tumultuous currents of life washed away the very roots...